38.

241 5 0
                                    

abo-gwapos ⚖️
Active Now

MON 4:30 PM

Ethan Paras
Malungkot ako.

Ethan Paras
'Di na ako ni-replyan ni Simone. Nainis na siguro kakahugot ko.

Benjamin Tuviera
Prosexy naman kasi parang tanga.

Benjamin Tuviera
Four years ka ngang tahimik tas nakita mo lang ulit, pinalagan mo na.

Ethan Paras
Alam niyo namang mahal ko pa eh. 🥺

Paxton Lim
Oo nga pero bakit naman agad kumawala! Kimkimin mo muna!

Paxton Lim
Tinatakot mo yata eh.

Ethan Paras
Ako nga dapat matakot sa kanya eh!

Ethan Paras
Ako 'yung iniwan. Haha. Gago Pax, three years 'yon. May pangako ng kasal. May hashtag. Tang ina.

Benjamin Tuviera
Bakit 'di ka nagmahal ng iba? Na-outweigh na ng apat na taon na wala kayo 'yung three years na mayro'n kayo noon.

Ethan Paras
Hindi gano'n 'yon, paps.

Ethan Paras
Ang dami namin pinagdaanan ni Simone noon.

Ethan Paras
Hindi 'yon ma-o-outweigh ng kahit ilang dekada pa.

Paxton Lim
Kahit ng ibang pag-ibig?

Ethan Paras
Hindi. Si Simone 'yon eh.

Ethan Paras
Siya lang. Siya pa rin.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon