89.

138 4 0
                                    

Simone Co

7:30 pm
Good evening, Prosec. 🙂

7:35 pm
Good evening, Atty. Co.

7:37 pm
Ikaw pala ang assigned na prosecutor.

7:39 pm
Complaint pala sa anak ni Tita Annie ang hawak mo na kaso. Binabasa ko ngayon.

7:30 pm
Oo, pero sa offended party ako kasi gusto kong ubusin ang pera nila.

7:34 pm
Pwede mo ba akong tulungan?

7:35 pm
Alam ko sobrang laking favor, Ethan. Pero gusto ko sana na ako ang mag-prosecute.

7:37 pm
Kasi under direct control and supervision mo na ako.

7:39 pm
Okay. 🙂

7:40 pm
Payag ka?

7:39 pm
Ipapaalam ko pa.

7:40 pm
Hindi mo ako pipigilan?

7:41 pm
No.

7:42 pm
Bakit hindi? Kahit maldita ako sa ginagawa ko?

7:43 pm
You don't have to be good all the time, Simone. If you're fighting for what's right, kung ano man ang dahilan mo para rito, wala na ako do'n.

7:44 pm
But the end doesn't justify the means.

7:45 pm
Hindi ka naman mandadaya. You just want to prosecute, nagpaalam ka naman sa akin. Kaya idadaan natin sa tamang proseso.

7:46 pm
The justice system must be fair for all. You're just doing your job.

7:47 pm
Kahit pamilya ko sila?

7:48 pm
You cannot choose your family, Simone. But you can define and limit as to which extent they can use and affect you.

7:49 pm
And no one can make you feel bad if you choose to do that now.

7:50 pm
I've read the complaint. Nabasa ko na 'yong fruit vendor na nabangga ng pinsan mo, matanda na. At siya lang ang inaasahan ng pamilya niya.

7:51 pm
Maldita ka, Simone. Alam ko malaki ang hihingin mo rito kung makikipag-settle ka sa damages. But I also know that your heart is in the right place.

7:52 pm
Kaya magpapaalam ako para matulungan kita. Trabaho ko rin naman 'yon, ang magbigay ng hustisya.

7:53 pm
Thank you, Ethan.

7:54 pm
Thank you for letting me help you.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon