93.

120 4 0
                                    

Tita Annie Santillan

4:10 pm
SIMONE!

4:15 pm
Pumayag ka na magkaso si Ethan sa akin ng direct assault!?

4:17 pm
Ano 'tong sinasabi ng abogado namin!?

4:19 pm
'Di ba nga sabi mo, boyfriend ko siya? Prosecutor pa naman po si Ethan tapos ginalit niyo. 🙂

4:20 pm
Don't worry, pinigilan ko po siya.

4:21 pm
I'll be the one to file the complaint. Ako naman po ang nasaktan eh.

4:22 pm
Punyeta, Simone! Talagang hindi mo kami titigilan?

4:23 pm
Po? But I'm just doing my job.

4:24 pm
Magkano ba!?

4:25 pm
Gusto mo lang naman ng pera namin! Magkano ba!?

4:26 pm
Magkano 'yung hinihiram ni Mama dati? Ah, 2k lang 'di ba, Tita? Kasi wala kaming ulam. Tapos sabi mo, 'wag kaming asa nang asa sa iba at paghirapan namin ang pera. Pagkatapos kayong tulungan ni Papa noon?

4:27 pm
So I did. Hindi na namin kailangan ng pera niyo.

4:28 pm
You can call me any names. Nagawa niyo naman dati, 'di ba? Pero itong ambisyosa na 'to ang may hawak ng dalawang kaso laban sa'yo at sa anak mo.

4:29 pm
Hindi ka ba natatakot sa karma?

4:30 pm
Bakit ako matatakot? Sa good karma? 😇

4:31 pm
Hindi ho ako masamang tao. Pero hindi ko rin kailangan maging mabait sa lahat. Nagmarka sa akin lahat ng pagtalikod niyo sa pamilya namin no'ng walang-wala kami.

4:32 pm
At walang-wala na nga kami, ipinaramdam niyo pa 'yon sa amin.

4:33 pm
Kaya wala akong lilingunin kahit sino.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon