FLASHBACK
EXT. CEMETERY - AFTERNOON
Umuwi si Simone sa Bulacan para magtago. Mugto ang mga mata niya nang dumating sa bahay nila kaya walang sinabi ang mga kapatid at ang mama niya. Pero nakita niyang inihanda nito ang kwarto niya at ang paboritong pagkain.
Walang nagbanggit at walang kumausap sa kanya tungkol sa resulta ng bar exam pero habang nasa kwarto na siya, niyakap lang siya ng mama niya at don sila umiyak. Sinabayan siyang masaktan nito at humingi siya ng tawad dito. She's sorry that she failed. She's sorry that she's too proud by thinking that she could give their family a good life and yet, she failed.
Hinang-hina na siya. This is her, at her weakest. Wala siyang pakialam kung sabihin man ng lahat na hindi siya matapang tumanggap ng pagkatalo. Pagod na pagod na siyang tanggapin lahat ng pagkatalo niya sa buhay. Pagod na siyang pulutin ang sarili niya sa tuwing nadadapa siya. Pagod na siyang maubos.
Ngayon, gusto niyang hayaan ang sarili na maging mahina. Gusto niyang yakapin ang pagkabasag ng kung ano mang natitira pang piraso ng puso niya. Kung mayro'n pa. Gusto niyang maramdaman ang bawat luha at ang bawit sakit na dala nito. Gusto niyang makaramdam bilang tao, hindi de-mekaniko na sa tuwing bumabagsak ay kailangan agad bumangon.
SIMONE
Sean, I want to be alone.SEAN
Hihintayin kita sa labas, Ate.Buong umaga lang siyang umiyak nang umiyak bago siya nagdesisyon na dumalaw sa puntod ng ama. At kahit tahimik ang mga kapatid niya, nagpresenta pa rin si Sean na ihatid siya. Alam niyang nag-a-alala ang pamilya niya para sa kanya pero ngayon lang niya hindi kayang maging matapang para sa mga ito.
SIMONE
Ра...Unang bigkas pa lamang niya ng mga katagang 'yon,sunud-sunod na namang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata niya. Pilit niyang tinuyo ang pisngi bago muling hinarap ang puntod ng ama.
SIMONE
Galit ako sa'yo, Papa.SIMONE
Iniwan mo akong mag-isa sa pangarap natin.SIMONE
Ayoko nang maging abogado.At hindi pa man din tapos ang pag-agos ng mga luha niya, may dumaan nang paru-paro sa harap niya. Isa itong asul na paru-paro at dumapo ito sa ibabaw ng puntod ng papa niya.
Lalo lang siyang umiyak. Ever since she lost her dad, Simone took a liking and started her own collection of butterflies. To keep her Papa with her. Para lagi niya itong maalala.
At alam niyang nandito ang paru-paro ngayon bilang paalala na hindi siya iniwan ng ama. Na palagi itong mananatili, kahit hindi man niya ito nakikita.
SIMONE
I love you, Papa. Pero hindi ko na kayang matalo ulit. Hindi ko na kayang maubos kasi wala na akong maibibigay pa. Tulungan mo naman ako.Mabagal siyang naglakad para lumapit sa lapida ng ama. Hinaplos niya ang litrato nito at patuloy na hinayaan ang sariling umiyak. Ilang taon na itong wala pero masakit pa rin sa kanya. Parehong sakit no'ng una niyang nalaman ang pagkawala nito.
SIMONE
You have always believed in me, Papa. Nagsisimula pa lang ako, itinaas mo na ako. Remember? You're the first person to call me your "abogada". But I'm not. I failed. I failed you. I failed Mama. I failed my sibs. I failed my friends. I failed Ethan. I failed myself.SIMONE
Sabi ng mga kamag-anak natin, ambisyosa ako. Pero ginawa ko pa rin ang lahat, I gave my all because you're the first person who said yes to me. You allowed me to choose who I can be. You allowed me to dream bigger. Kaya pinili kong ituloy. Your yes kept me going. You kept me going.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
RomanceEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.