Tita Annie Santillan
1:44 pm
Simone, pinasuyo ko 'to sa mama mo kung pwede kang kausapin pero sabi niya, hindi siya nakikialam sa trabaho mo.1:45 pm
Pati nanay mo, mapagmalaki na.1:47 pm
Ano ho ba 'yon, Tita? Tama naman si Mama.1:49 pm
Trabaho ko 'to, bakit sa kanya ho kayo nakikisuyo?1:50 pm
Kaya nga nagsasabi na ako sa'yo ngayon. Baka pwede kang maging abogado ng pinsan mo. Nakabangga ng nagtitinda ng prutas kasi lasing. Eh nasugatan lang naman. Palibhasa, mahirap kaya manghuhuthot lang ng pera at magkakaso.1:54 pm
Libre po?1:55 pm
Oo. Tumatanggap ka naman ng pro bono, 'di ba?1:57 pm
Hindi naman ho kayo mahirap.1:59 pm
Ano naman kinalaman sa estado ng buhay namin? Hindi na nga libre 'yong notaryo, hanggang dito tatanggihan mo kami?2:00 pm
Pinalagpas ko na 'yon, alangan namang hindi mo tulungan ang pinsan mo ngayon?2:01 pm
May abogado na ho ba 'yung nabangga?2:02 pm
Wala pa.2:03 pm
I'll take the side of the offended party. Pro bono.2:04 pm
Simone! Napaka yabang mo talagang bata ka! Manang-mana ka sa ama mo na puro yabang!2:05 pm
I'll take that as a compliment. ☺️2:05 pm
Lawyer up, Tita. 🙂
![](https://img.wattpad.com/cover/271758696-288-k366310.jpg)
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
RomanceEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.