129.

102 2 0
                                    

INT. KITCHEN - LATE EVENING

Ipinunas ni Simone ang parehong kamay sa dilaw na apron niyang suot bago lumingon nang marinig niya na may pumasok sa kusina—si Ethan. Sinubukan niya itong salubungin ng tingin pero agad itong umiwas.

Nagtataka siya sa ikinikilos nito. Lahat binalingan ng mga mata nito maliban sa kanya kaya nag-alala siya rito.

SIMONE
Ethan, are you okay?

ETHAN
No.

Marahan itong humarap sa kanya at napansin niya agad ang namumulang mga mata nito. Alam niyang iyakin ito noon pa man. Naalala niya kung paano ito mas umiiyak para sa kanya, kung paano siya sinasabayan nito sa lungkot niya. Napaisip tuloy si Simone kung ano ang pinag-usapan nito at ng mama niya, at kung ito ba ang dahilan kung bakit umiyak si Ethan.

SIMONE
What happened?

Sinubukan siyang lapitan ni Ethan bago ito umatras. Tumitig ito sa kanya at nakita niya ang mga luha na namumuo na naman sa mga mata nito.

ETHAN
Tito... Tito Simon is proud of you.

ETHAN
And I... I'm... I'm so, so proud of you.

SIMONE
Ethan...

ETHAN
May I... come near you?

ETHAN
Natatakot ako...

Nagpapaalam na ito ngayon. Nakikiusap ang tono ng boses. Do'n lang naunawaan ni Simone kung bakit ito umatras bago tuluyang makalapit sa kanya. Alam niya kung saan galing ang takot nito sa paglapit.

Naalala ni Simone. Naaalala niya na noong huli itong sumubok na lumapit sa kanya, umatras siya rito. Ilang beses. At apat na taon siyang nawala pagkatapos.

SIMONE
It's okay, Ethan. I'm not going to run away. Not without you.

Nanatiling nakatayo si Ethan kaya lumapit si Simone at marahan niyang niyakap ito. Ilang minuto rin ang itinagal bago naramdaman ni Simone ang mga braso nito sa baywang niya dahil hindi ito gumalaw nang una siyang yumakap dito.

Naramdaman ni Simone ang pagsandal ng ulo nito sa balikat niya habang pinapakawalan nito ang mga luha na kanina pa pinipigilan.

ETHAN
Natakot ako sa apat na taong wala ka at takot pa rin ako ngayon.

ETHAN
I'm scared that I'll want to save you, that I'll want to pick you up.

Napakagat si Simone sa ibabang labi niya habang pinipigilang sabayan si Ethan sa pag-iyak. Hindi siya sumagot pero nanatili ang yakap niya rito habang hinahaplos niya ang likod nito. She wanted to let him speak his truth. She wanted to listen, to finally hear his heart.

ETHAN
I'm scared that there will be things which I won't understand.

ETHAN
I'm scared, Simone.

Between the two of them, Ethan is the more open one. Umiiyak ito kapag malungkot, kapag nasasaktan. Ang matunog nitong tawa kapag masaya. Ang nakakuyom nitong kamao kapag galit. Ang nakakunot nitong noo kapag nalilito. Ang mga ngiti at mga mata nitong puno ng pagmamahal. Pero ngayon lang ito umamin sa kanya ng mga takot nito.

ETHAN
I'm sorry.

Napapikit si Simone nang marinig niya ang paghingi nito ng tawad. Kumalas siya sa yakap at sinalubong siya ng mga mata nitong takot sa naging pag-amin.

Hindi inalis ni Simone ang mga mata niya sa takot nitong mga mata. Habang sinusubukan niyang punasan ang basa nitong pingi.

SIMONE
I don't need you to perfectly understand me, Ethan. I won't ever ask that from you.

SIMONE
It's enough to me that you're letting me fly. Kahit may mga pagkakataon na gusto mo akong isalba, kahit gusto mo akong itayo, at kahit may mga bagay ka pang hindi naiintindihan.

SIMONE
Dahil no'ng tinanggap mo ang paglipad ko, alam ko na sinusubukan mo. Na gusto mong matuto kahit natatakot ka. Kahit may hindi ka pa naiintindihan. And that's a start.

Masuyong inayos ni Simone ang nagulong buhok ni Ethan dahil sa pagkakasandal nito sa kanya. Hindi na ito masyadong umiiyak pero may mahinang hikbi pa rin ito.

SIMONE
It's okay to be scared.

SIMONE
Hindi mo kailangan maging matapang palagi para sa akin ha? Okay lang na mapagod, okay lang matakot, okay lang kung may mga araw na hindi ka buo. Dahil gusto ko rin matuto sa'yo.

SIMONE
And I'm sorry, too. In pari delicto. Pareho tayong may kasalanan. We thought that the way we loved before was meant for us to save each other, not knowing that it would only hurt us both because it's not what we wanted. It's not what we needed.

SIMONE
Kaya sabay tayong matuto ngayon. Okay?

ETHAN
Okay.

Muli siyang niyakap ni Ethan at naramdaman niya ang pagdamping mga labi nito sa buhok niya.

Kahit mahigpit ang yakap nito sa kanya, sigurado si Simone na malaya siya rito. Na malaya siya dahil sa pagmamahal nito. At palagi siyang magpapasalamat dahil kahit napapagod ito at nasasaktan, siya pa rin ang paulit-ulit nitong piniling ipanalo.

SIMONE
In law, there's a thing called sui generis. One of its own kind. Nag-i-isa.

SIMONE
You're my sui generis, Ethan. Palagi.

ETHAN
Likewise, Simone. Palagi.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon