Simone Co
9:00 pm
Are you home, Ethan?9:01 pm
Yes. Nakapila pa ako sa elevator. Dami kong kasabay umuwi. 😅9:02 pm
Let me know kapag nasa unit ka na.9:03 pm
Thank you pala.9:04 pm
No problem, Simone. 😊9:05 pm
About pala sa invite ni Tito Judge, pwede naman ako ng Saturday. Tapos sa amin ka sa Sunday. What do you think?9:06 pm
Okay lang sa akin.9:07 pm
Maaga na akong dadating, walang golf. 😂9:08 pm
Haha. Okay lang naman kahit gano'ng oras ulit.9:09 pm
Gising ako hanggang madaling araw. 😅9:10 pm
Nagpupuyat ka pa rin. Magpapahinga ka ha? Don't make me worry.9:11 pm
I do rest, Ethan. Pero 'yon nga, napupuyat pa rin minsan. Haha. Naalala mo dati? Kapag magkasama tayo, napupuyat ka rin.9:12 pm
Nag-a-aral ako tapos may isinisingit na mga raket sa gabi. Ikaw ang tumutulong sa akin.9:13 pm
Paralegal sa umaga, estudyante sa gabi, raketera sa madaling araw.9:14 pm
Naiiyak pa rin ako kapag naiisip ko kung paano ko kinaya. Pero isa sa dahilan no'n, hanggang ngayon, ikaw pa rin. Kinaya ko kasi kasama kita.9:15 pm
It was really hard for you back then.9:16 pm
It was. Wala talagang shortcuts na ibibigay sa atin ang buhay.9:17 pm
Noon, nakalimutan ko nang magpasalamat. Naisip ko, nahihirapan lang ako.9:18 pm
And people would say that some has it worse. That I should not feel sad, I should not feel bad about my life.9:19 pm
Pero 'di ba nga? Not because some people have it worse, don't mean that you can't be sad anymore.9:20 pm
'Yon nga rin. You've made me realize that before. 🙂9:21 pm
Alam mo dati, sa'yo ako kumukuha ng lakas. Natakot lang talaga ako kasi alam kong uubusin kita. At some point, I will take and take from you, Ethan. Para mapunan ako.9:22 pm
Hindi mo man naramdaman 'yon noon, but it will happen. Tapos natakot ako na baka matulad ka kay Papa. Naubos para sa akin. Sa amin.9:23 pm
We do things willingly for the people that we love. Pero naiintindihan ko na ang takot mo noon. Nauunawaan ko nang magkaiba man tayo ng mga bagay na handa nating gawin para sa isa't isa, pagmamahal pa rin 'yon.9:24 pm
And this is the way you loved me, Simone. Even though it broke your heart too.9:25 pm
Thank you, Ethan.9:26 pm
You'll always have the torrens title to my heart, valid and enforceable against the whole world.9:27 pm
I love you too, Simone. 😊
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
عاطفيةEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.