Tita Annie Santillan
1:44 pm
Simone1:45 pm
Iniwan ko sa mama mo 'yung mga documents namin sa opisina na kailangan ipa-notary. Pasuyo na lang ha. Kailangan ko bukas.1:47 pm
200 per page po, Tita Annie.1:49 pm
Kunin ko po kay Mama mamaya 'yung documents. Pasunod na lang din po ng payment.1:50 pm
Hindi ba libre na lang? Kaya nga may abogado sa pamilya eh.1:51 pm
Ay, hindi ho. May partners po ako sa firm, hindi lang ako. Hati-hati po kami sa payment.1:52 pm
Baka naman pwedeng isingit mo na lang, Simone? Para namang iba kami sa'yo.1:54 pm
Trabaho lang ho, Tita. ☺️1:55 pm
Aba eh hindi na lang kami sa'yo magpapanotaryo. Meron naman d'yan sa Monumento, singkwenta lang. Kay mahal mong maningil, magtatatak at pipirma ka lang naman!1:57 pm
Hindi niyo naman ho alam ang pinagdaanan ko para lang "makapagtatak" at "makapirma" ako sa notaryo ngayon.1:59 pm
Akala mo naman ang layo na ng narating mo! Hija, matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo. Masyado ka agad mataas, masakit bagsak mo n'yan.2:00 pm
Po? Bakit? Noon bang ako lang mag-isa ang gumagapang para makapagtapos ako, nilingon niyo ba ako?2:02 pm
Iba pa rin talaga ang konsepto niyo ng pamilya ano po? Wala naman kayong ambag noong iginagapang ko 'yung pangarap ko, pero gusto niyong makinabang kayo ngayong nandito na ako?2:04 pm
Hindi ho ako nagmamalaki. Alam ko lang kung sino ang dapat kong lingunin.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Любовные романыEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.