9.

462 21 3
                                    

(0926) 624 026

1:44 pm
Mag-fa-file na ako ng information sa court ha, Atty. Simone?

1:45 pm
No hard feelings. 😉

1:47 pm
Who's this?

1:49 pm
Ethan. 😊

1:50 pm
Oh.

1:51 pm
Eh 'di mag-file ka. 'Di ba napag-usapan naman na kanina?

1:52 pm
Ba't nagpapaalam ka pa? Gusto mo ba ng bribe?

1:54 pm
Grabe naman, ang dami agad sinabi?

1:55 pm
I don't take bribes. 😂

1:57 pm
Oh 'yon naman pala eh. Bakit nag-text ka pa?

1:59 pm
Gusto ko lang. Ngayon na lang ulit tayo nagkita eh. After four years.

2:00 pm
See, kabisado ko pa rin number mo. And you act na parang hindi mo kabisado ang akin.

2:02 pm
I don't memorize.

2:04 pm
And I don't care if you still know mine after all these years.

2:06 pm
Bakit ang sungit mo? Kanina inirapan mo ako sa office.

2:07 pm
Napuwing.

2:09 pm
HAHAHAHA

2:11 pm
Grabe mapuwing, umiikot 'yung mata. 😂

2:13 pm
Gago.

2:14 pm
Oh, ganyan ka ba makipag-usap sa mga prosecutors?

2:16 pm
Bakit, nagtatrabaho ba tayo ngayon?

2:18 pm
Hahaha. Maldita ka pa rin.

2:20 pm
Ilalaban mo ba 'yong kaso? Aakyat 'yon, sigurado ako.

2:22 pm
Syempre. May pamilya 'yung tao, Ethan. Hindi ko pwedeng sukuan 'yon.

2:25 pm
Lahat naman ng nakakasuhan, may pamilya. Pero may batas din.

2:27 pm
Hindi naman patas ang batas sa lahat.

2:29 pm
Nagnakaw siya, Simone.

2:30 pm
Para sa anak niya 'yon, Ethan.

2:32 pm
Nagnakaw pa rin, 'di ba? Lahat ng tao may sob story. May pinagdadaanan. Kung excuse 'yon para gumawa ng mali, eh 'di wala na sanang batas.

2:35 pm
Maraming interpretation ang batas. Hindi naman isa lang ang application nito. Alam mo 'yan, mas magaling ka sa akin.

2:36 pm
Hindi naman palaging literal ang batas. Ginagamitan din dapat ng simpatya at puso.

2:38 pm
Ah, talaga?

2:39 pm
No'ng huli kong ginamit ang simpatya at puso ko, nasaktan ako.

2:40 pm
Napagod akong maghanap ng interpretation. Kasi wala kang ibinigay.

2:42 pm
Buti pa 'yong batas 'no?

2:43 pm
May paliwanag. 🙂

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon