FLASHBACK
Mama
10:00 pm
Ma, pauwi na po ako. Naghihintay lang ng fx dito sa España.10:02 pm
Ingat, 'nak. Nagluto ako ng lasagna, init ko na lang 'pag dating mo.10:04 pm
Sige, Ma.10:05 pm
Nak, kumusta pala 'yung pang-graduation fee ni Sean?10:07pm
Pasensya ka na ha? Hindi pa kasi nagbabayad 'yung tinuturuan ko sa home service. Si Sienna, wala pa raw sweldo.10:09 pm
Tanong ko sina Naomi kung may extra sila ni Cara.10:10 pm
Si Ethan baka naman meron kahit 1k. Pamalengke lang din. Ibabalik kamo next week. O kahit si Vera, 'nak?10:12 pm
Ma, wala ka naman napalitan kay Ethan kahit ano. Nakakahiya na. Pati kay Vera.10:14 am
Ako ang nagbalik ng iba. Lagi mong sinasabi sa akin 'yan na papalitan mo pero 'pag may nautangan ako na naniningil na, iniiwan mo ako sa ere.10:16 pm
Pasensya ka na, anak. Ginagawan ko naman ng paraan. Pinagkakasya ko lang din 'yung kinikita ko sa pagtuturo ng home service tsaka 'yung ibinibigay niyo ni Sienna.10:18 pm
Alam mo namang hindi na tulad ng dati kasi wala na si Papa, 'di ba?10:20 pm
Alam ko, ma. Kaya nga kinakaya ko eh. Kaya nga nilulunok ko pride ko.10:21 pm
Minsan, gusto ko na nga rin sumunod kay Papa mo.10:23 pm
Ma, ano 'yan? 'Yan na naman? Ginagawan naman ng paraan. 'Pag nagsabi ka, naghahanap naman ako ng pera. Naghahanap kami ni Sienna.10:24 pm
'Di na nga ako natutulog sa dami ng mga raket ko. Nag-ta-trabaho pa ako sa law firm sa umaga. Sa gabi, nag-a-aral ako.10:25 pm
Sa dami ng beses na nag-text ka, nagpahanap ka ng pera, nagtanong ka kung kaya kong gumawa ng paraan, naisip mo pa ba ako habang nakikitira ako sa apartment ng mga kaibigan ko? Kung nagpapahinga pa ba ako? Kung humihinga pa ako!? Kung saang kamay ng diyos ako lumalapit para magawan ka ng paraan!?10:26 pm
Mama, kung gusto mong sumunod kay Papa, ano pa ako? Pinabayaan mo ako!10:28 pm
Sabi mo sa akin, kung gusto kong ituloy ang pag-a-abogasya ko, ako ang gumawa ng paraan para sa sarili ko. Kaya ginawa ko. Naghanap ako ng trabaho. Ng mga extra na raket kasi alam ko na 'di lang naman sarili ko ang dapat kong isipin.10:29 pm
Nagtitiis ako kahit araw-araw, iniisip ko kung bakit pinarusahan mo ako ng ganito? Ano'ng kasalanan ko sa'yo? Bakit si Sean, buhay pa si Papa, laging bagsak na sa school. Pitong tao nang college. Pero bakit siya, inilaban mo?10:33 pm
Alam ko sa tingin mo, capricho na lang 'tong law school. Kasi napatapos niyo na ako ng college, 'di ba? Pero dapat una ka sa nakakaintindi kung bakit ko 'to iginapang. Kasi pangarap ko 'to. Pangarap namin ni Papa. Kasi hindi lang naman 'to para sa akin. Para sa atin 'to. Kasi gusto kong guminhawa ulit 'yong buhay natin. Ayoko nang gumising araw-araw na problema ko 'yung pera. Na iniisip ko kung makakakain ba ako o makakapasok sa work kung wala si Ethan, Sienna, o 'yung mga kaibigan ko kapag wala akong pera. Kung makakapagbayad ba ako ng mga kailangan ko sa school kasi mas inuuna ko kayo.10:34 pm
Hindi ako nanunumbat. Pamilya ko kayo. 'Yung pera, 'yung tulog, mababawi ko. Pero nakakapagod.10:35 pm
Sana maintindihan mo na hindi lang ikaw ang napapagod at nasasaktan simula no'ng nawala si Papa.10:37 pm
Tsaka mama alam mo, patapos na rin ako. Kailangan ko rin ng graduation fee. Sana may mama rin ako na gumagawa ng paraan para sa akin. Pero sabi mo nga, ako ang bahala, 'di ba?10:38 pm
Kaya magiging abogado ako. Hindi dahil kinaya kong mag-isa. Pero dahil naniwala sa akin si Papa, si Sienna, ang mga kaibigan ko, at si Ethan.10:40 pm
Magiging abogado ako kahit hindi ka naniwala sa pangarap ko.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
RomanceEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.