(0926) 624 026
9:44 pm
Okay ka lang? - Ethan
9:45 pm
Nagpakilala ako. Baka "who's this" na naman sabihin mo eh.
9:47 pm
Bakit?
9:49 pm
Parang malungkot ka kasi. Naramdaman ko. Lukso ng mag-ex, gano'n.
9:50 pm
Gago. Lukso ng mag-ex ka d'yan!!
9:51 pm
Hahaha 'deee nabasa ko 'yung tweet mo kasi kasama ko sina Pax.
9:52 pm
Alam ko malungkot ka kapag namimiss mo si Tito.
9:54 pm
Tito ka d'yan. Tegi naman na no'ng ipapakilala kita. Haha.
9:55 pm
Hindi ka nga niya nakita nang personal.
9:57 pm
Nagpaalam ako sa kanya. Kinausap ko 'yung picture niya sa bahay niyo. Sabi ko Tito, pramis ako bahala dito sa maldita mong anak.
9:59 pm
Tapos sabi ko, ako rin sana bahala kina Tita kung okay lang. Kasi pagod ka na no'n eh.
10:00 pm
Sobra 'no? Haha. Ilang beses mo rin akong isinalba noon 'pag ayaw ko sa bahay namin.
10:02 pm
'Pag umiiyak ako. 'Pag wala kaming pera. 'Pag gusto kong takasan 'yung mundo ko. Ikaw 'yong nand'yan.
10:04 pm
'Pag nag-re-reminisce ka tapos kasama ako do'n, na-i-inlab ka ba ulit sa akin?
10:06 pm
HAHAHAHA PARA KA TALAGANG TANGA
10:07 pm
At least, natawa ka! 😅
10:09 pm
Ba't ka concerned kung malungkot ako? Eh gusto mo nga ako talunin sa mga kaso.
10:11 pm
Hahaha maghihiganti sana ako.
10:13 pm
HAHAHAHA
10:14 pm
Grabeee siya
10:16 pm
Gusto ko sana makita mo kung ano sinayang mo eh.
10:18 pm
Kaso puta 'pag naiisip kita, parang ako pa rin 'yung nasasayangan.
10:20 pm
Hinihintay pa rin kita.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
RomansaEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.
