Chapter III - Henry’s Friend part 2
THE NEXT morning, Samantha invited Helise for breakfast, may dala rin itong pamalit na damit para sa kanya. A pair of white shirt and comfty black short shorts. Samantha was done preparing breakfast, toast, sunny side up eggs, fried rice and fruits. For Helise’s niece, Hunnirose, steamed squash. She’s just one year old by the way. Naabutan na ito ni Helise na naka-upo sa high chair nito.
“Good morning Hunnirose!” nakangiti niyang bati sa pamangkin, hinaplos pa ang malambot at mataba nitong pisngi.
“Tata!” hagikgik ng pamangkin niya.
“Where’s Kuya Henry?” baling niya kay Sam.
Inaayos ng hipag ang ilang kutsara sa lamesa. “Pababa na, tinawag lang ang isa pang bisita.”
Ah, hindi pa pala naka-alis ang bisita ng kapatid. Ilang saglit pa nga ay naririnig na ni Helise ang boses ng kuya nito, papalapit na sa dining area. Pumasok nga roon ang kapatid ni Helise, kasama ang matangkad na lalaking nakita niya kagabi sa kusina.
“Ah, by the way, this is my sister, Helise. Helise, this is Kalli, my classmate in Spain.” pakilala sa kanya ng kapatid.
Lumapit ang lalaki sa kau-upo lang na si Helise, mukhang makikipagkamay ito kaya tumayo si Helise. “Nice meeting you.” sabi niya at nakipagkamay nga. “I’m Helise Mercado.” pagpapakilala niya.
Parang saglit na natigilan ang lalaki pero ngumiti rin bago nagpakilala kay Helise. “Kalli.” tipid na sabi nito.
Bagong ligo ito at napansin ni Helise nakasuot din ito ng plain white shirt tulad ng sa kanya! Wala na bang ibang mapasuot ang kapatid niya? Anyway, hindi na niya iyon pinansin dahil maya-maya lang ay dumating na ang pinadeliver niyang damit kay Lucy, sa isang courier company niya na lang pina-deliver iyon para di na maabala ang secretary na magpunta sa bahay ng kuya niya.
Gustuhin man sana ni Helise na manatili pa roon ng ilang araw para malaro naman ang pamangkin, kaso mukhang abala na rin sila Samantha at kapatid niya, ayaw na niyang abalahin pa ang mag-asawa.
Alas diyes ng umaga ng mapagpasyahan niyang umuwi, palabas na siya, hinatid siya ni Samantha buhat nito si Hunnirose, ang kuya Henry niya kasi ay nagmamadali na papuntang opisina kaya halos magkakasabay silang lumabas ng mansyon.
Unang napansin ni Helise ang gulong ng sasakyan niya! It was flat!
“Sh!t!” mahinang bulong niya. “Kuya! Change my tire first!” malakas na sabi niya sa kapatid na halatang nagmamadali dahil nakabukas na ang pinto ng sasakyan nito.
“I’m sorry sis. I have a meeting to attend and male-late na ’ko. Gusto mo ihatid na lang kita?”
E, paano? Male-late na nga ito magpapahatid pa siya? Isa pa out of the way siya sa office ng kapatid.
“No need. Tatawag na lang ako ng taxi.”
“Are you sure? Ako na lang maghatid sayo?” si Samantha.
Gusto sanang o-ohan ni Helise ang offer ng hipag dahil ayaw niya rin namang magcommute, ang kaso napatingin siya kay Hunnirose. Hindi na nga nito nakasama ang ina maghapon, aagawin na naman niya si Samantha sa pamangkin.
“Hindi na.” nakangiting sagot niya.
“Maybe I can help?” it was Kalli who spoke this time, hawak na nito ang susi ng mamahaling sasakyan nito. “I can take you home.”
Halos tumindig ang balahibo ni Helise sa baritonong boses ng kaibigan ng kuya. Bigla na naman siyang kinabahan.
“Sumakay ka na sa kanya, Helise. Nagmamadali ako. Magpahatid ka na lang kesa mag-taxi! Ipapahatid ko na lang mamaya ang sasakyan mo kapag naayos na ang gulong.” sabi ng kapatid bago lumingon sa kaibigan. “Thanks in advance bro! I really gotta go.” sabi nito. “Bye babe and baby.” habol pa kay Sam at Hunnirose bago tuluyang pumasok sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...