Chapter XI

1.1K 15 1
                                    

Chapter XI - Doubts. Mistrust. Misgiving part 2

HINDI alam ni Helise kung paano niya napatahan ang sarili. Nanatiling nakatulala sa loob ng sasakyan ng asawa, nanginginig pa rin ang kanyang kalamnan, nanlalamig na para bang binuhusan siya ng isang timbang punong-puno ng yelo. Bagsak ang balikat at namumugtong mga mata, hindi pa rin makapaniwala kung saan nagkamali para magawa iyon ni Tristan sa kanya. Though, she didn’t confirmed anything pero hindi siya tanga! Anong ginagawa ng isang lalaki sa isang condo halos gabi-gabi at ilang oras nananatili doon bago umuwi sa asawa?!

Kung hindi babae, e ano pala?

Nanginginig pa rin si Helise na nilabas niya ang cellphone niya, she dialed a number.

“Good morning, this is Gio from SI Securities, how may I help you today?”

Madaling araw na at alam ni Helise na may sasagot doon. Opisina iyon ng kapatid niya.

“This is Helise San Isidro, Henry’s sister.” parang robot na wala sa sarili kung magsalita si Helise.

“Ma’am! Good morning po, ano pong maitutulong ko?”

“I need someone to tail my husband.”

“Pardon?” ulit nito sa kabilang linya.

“I need someone to tail my husband and don’t let my brother know about this.” matigas na aniya.

“Ahh. Yes, yes po ma’am.” natatarantang sagot nito.

Binaba ni Helise ang cellphone niya, parang isa pa rin siyang robot na naglakad pabalik sa silid nilang mag-asawa. Binuksan niya ang pinto, naglakad papalapit at nakitang mahimbing pa rin ang tulog ng asawa. Gusto niya itong gisingin at komprontahin pero pinigilan niya ang sarili dahil may katiting pa rin siyang paniniwala na hindi iyon magagawa ni Tristan sa kanya.

Umupo siya sa kama, hindi pa rin inaalis ang tingin sa asawa. Naalala niya noong paano sila unang nagkita, lahat ng memories niya as a child together with him, naala rin niya iyong unang beses na sinabihan siya nito ng ‘i love you’ and then their courting stage, in a relationship for years then getting married with him. All this time, halos mula pagkabata ni Helise si Tristan na ang kasama niya. Hindi lang kalahati ng buhay niya na kasama ang asawa! Higit pa doon!

Kaya kung sakaling tama ang hinala ni Helise, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya.

Parang may espiritung sumapi kay Helise nang kunin niya ang isang unan at itapat iyon sa mukha ng natutulog na asawa. She wanted to suffocate him because of her anger and stress but she manage to stopped herself when she saw his wedding ring in his ring finger.

She’s no criminal.

At wala pa siyang proweba na nangangaliwa nga ang asawa.

Nagpakawala siya ng malalim na buga ng hangin bago binaba ang unan sa tabi, muli na namang tumulo ang mga luha ni Helise.

Binabaliw na yata siya ng mga tamang hinala niya.

The next morning, she went to their office. Sa hallway papunta ng front desk, nahagip kaagad ni Helise si Barbara sa front desk and then, immediately she had thoughts that maybe, that girl was the key.

Maybe Barbara knows something.

She was about to asked her personally but she stopped half way because maybe, just like Emil who worked for the Mercado’s for years is loyal to Tristan, since her husband met that woman in Batangas and made friend with her.

Wala sa sarili si Helise dahil sa patong patong na hinalang pumapasok sa isip niya.

“Vice chairman?”

Gold Ring of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon