Chapter XVI - The Indenial
MASAKIT ang ulo ni Helise ng sumunod na araw. Nagsalin siya ng malamig na tubig mula sa refrigerator at saka ininom iyon. Nandito siya ngayon sa ancestral house nila, ang San Isidro mansion. Pansamantalang dito muna tutuloy si Helise hangga’t hindi pa naibaba ng korte ang divorce papers nila, paano nga ba mangyayari iyon kung ayaw naman pirmahan ni Tristan ang mga papeles?
But Helise was very sure that he will do it right after the founding anniversary.
Ilang voicemail ang natanggap ni Helise mula sa mother-in-law. Paulit-ulit lang naman ang laman noon. Na baka pwede pa nilang pag-usapan ni Tristan at ayusin ang lahat.
Actually, for Helise, they really can, she can fix it....
If there was no pregnancy involves.
Pinatay ni Helise ang kanyang cellphone, para hindi na rin siya matawagan ni Tristan dahil ilang missed call ang natanggap ni Helise kagabi at kaninang madaling araw.
Hindi na siya pumasok ngayon sa main office ng MHaR. That’s because she already left her resignation letter sa table niya, malamang sa mga oras na ito ay nakita na iyon ni Tristan. She just hope na hindi ito mahalata ng mga empleyado roon.
Paakyat na sana si Helise pabalik ng kanyang silid para maligo nang marinig niya ang boses ng kapatid.
“Helise?! Helise!?” huminto ito saglit nang makita siya pero kaagad rin itong humakbang papalapit sa kanya. “What’s happening? Galing ako sa bahay niyo kanina at ang sabi sa akin ni ate Rona ay nag-alsabalutan ka kagabi?”
“Not now kuya, my head is aching.” wala sa mood na sagot niya sa kapatid.
“Nag-away ba kayo ni Tristan? At bakit mo nilipat lahat ng properties mo kay Hunnirose?” he was cornering her with his questions.
“I am divorcing him, kuya.”
“What?!!” bulaslas nito. “Why?”
Huminga ng malalim si Helise. “I’m really not in the mood to talk about it kuya. I had a restless night last night, please...”
“Then let’s go, sa bahay ka muna.”
“Kuya, kaya ko na ang sarili ko.” sagot niya.
Pero bago pa man umapela ang kuya Henry ni Helise ay isang malakas na sigaw ang narinig nila para bang nagwawala.
“Helise!! Helise!! Please talk to me!!! Honey!!! Please!”
Kunot-noong lumabas si Helise kasunod ang kanyang kapatid. Naabutan nila ang mga gwardya ng anscestral house nila na pinipigilan ang nagpupumiglas na si Tristan. Sinabihan kasi ni Helise ang mga ito in case na magpunta nga si Tristan dito at hindi naman siya nagkamali.
“He’s here. Is this something serious, Hel?” tanong ng kapatid.
Hindi niya ito sinagot sa halip ay tinalikuran niya ito para umakyat sa taas at magbihis. She’s leaving the house.
“And where do you think are you going?” tanong ng kapatid sa kanya nang muling makababa.
“I will explain everything kuya after the founding anniversary of MHaR. For now, just leave me be.”
Kumunot ang noo nito. “Where are you going, Hel?”
Hindi siya sumagot sa halip ay naglakad na siya palabas malapit sa garahe, natanaw niya pa si Tristan na nagpupumiglas pa rin para makalapit sa kanya. Umiling si Helise bago pumasok sa loob ng kotse. Tristan will not leave her alone kahit na sumama pa siya kay Henry.
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...