Chapter XXV

1.3K 22 2
                                    

Chapter XXV - Salvatore’s Wife

TATLONG bote ng wine na yata ang nauubos ni Tristan ngayong gabi pero wala pa rin siyang balak na tumigil. Siguro ay kaya niyang ubusin ang lahat ng alak na mayroon sila sa mansion. He still couldn’t believe what he found out. He still cannot accept it. Helise will and always forever his! At hindi siya papayag na magpakasal ito sa iba! Kung sino man ang lalaking umagaw sa kaniya kay Helise, sisiguraduhin niyang bangungot ang pinasok nito! Walang pwedeng umangkin ng pag-aari niya!

“Tristan?” si Barbara. Kabababa lang nito mula sa silid, nakasuot ito ng night gown. “hindi ka pa tapos uminom?”

Hindi niya ito sinagot, sa halip ay lumagok pa siya ng wine.

“Nakatulog na ang baby natin, hindi ka pa rin tumatabi. Do you have a problem at work? Do you need help?”

Hindi niya pa rin pinansin si Barbara hanggang sa lumapit na ito sa tabi niya. Nakatayo na ngayon ang asawa sa gilid niya.

“Tumigil ka na sa kakainom, maaga pa ang pasok mo bukas.” kinuha nito ang wineglass na hawak niya pero mabilis niyang binawi iyon.

“You!” mariin na aniya. “it’s all your f•cking fault!” asik niya. “Helise left me because of you.... My Helise.... I miss you....”

“A-ano?” nanginginig na anito. “m-mahal mo pa si Ma’am H-helise?”

“She was the only.” aniya.

Hindi naman sumagot si Barbara, kaya tinignan niya ito. Dala na siguro ng kalasingan kaya hindi niya masyadong makita ng maayos ang itsura ng asawa. Hinayaan na lamang ni Tristan iyon.

At dahil nga sa sobrang kalasingan, hindi na namalayan ni Tristan na nakatulog na siya roon. Kung paano siya nakarating sa kanilang silid, hindi niya alam. Basta kinaumagahan ay matinding sakit ng ulo na naman ang bumungad sa kaniya na para bang hindi siya makakapasok sa opisina ngayon.

Bumangon si Tristan, dumiretso sa kabilang silid para tignan ang natutulog niyang anak. Tiff was really cute and tiny, marahan niyang hinawakan ito sa pisngi para hindi magising. Mabilis na hinalikan sa noo bago lumabas ng silid. Bumaba si Tristan para dumiretso sa dining area, naabutan niya si Barbara doon na naghahain ng pagkain.

“Morning....” bati niya bago umupo sa upuan niya.

Lumapit naman sa kaniya ang asawa at saka siya mabilis na hinalikan sa labi. He looked at her witb confused in his eyes, Barbara looked different today. Naka-ayos ito, not in her usual casual clothes but she was wearing designer clothes, naka-ayos din ang make-up nito.

“You’re going somewhere?” tanong niya.

Umupo si Barbara sa may upuan sa kaliwang banda. “Nah. Tinry ko lang itong mga biniling damit ni mama sa akin.” tukoy nito sa mother-in-law.

Tumango si Tristan. “I like it, you looked very sophisticated but don’t wear too much make up around Tiffany. Baka maka-affect sa skin niya. She’s very sensitive.” paalala niya.

Barbara remained silent. Bigla ay naalala ni Tristan na bumaba ito kagabi para ayain na siyang matulog but he was too busy drinking until he passed out.

“Last night....” di na natapos ni Tristan ang sasabihin.

“....it’s fine. I will do better.” putol ni Barbara sa kaniya.

Kumunot naman ang noo ni Tristan sa pagtataka. What is she talking about? Pinagkibit balikat na lamang ni Tristan iyon. He was going to be busy today because of the board meeting.

Maraming pending na trabaho si Tristan sa totoo lang, mula nang umalis si Helise, noong una nangangapa pa si Tristan dahil masyado siyang nalulula sa dami ng trabaho. He didn’t know that his Helise suffered like this before. He was too focus with himself, kahit na siya ang chairman, halos trabaho naman ni Helise ang lahat.

Gold Ring of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon