Chapter VIX - THE DIVORCE
“WHAT do you mean I need to sign it, dad? Hindi ba’t ikaw na mismo ang nagsabi sa akin na huwag na huwag ’kong pipirmahan ang divorce papers namin ni Helise?” napasugod ng madaling araw si Tristan sa bahay ng mga magulang dahil nabasa niya ang text message ng ama na pirmahan na niya ang divorce papers nila ni Helise.
Nagtataka naman siya, dahil hindi ba’t isa ito sa mariing tumututol na hiwalayan siya ni Helise?
Because his father thinks that Helise is an asset in their business.
“What’s happening dad? Can you please explain me? Mom?” binalingan niya ang ina. “I don’t wanna lose my wife!” pagsusumamo niya.
“Then you shouldn’t have caught!!” sigaw ng ama. “because of you son of a..... All of our properties might sieze out because of your f•cking foolishness!” asik pa nito. “I didn’t know that your wife knew someone that can make.... Arghh! F•ck! I don’t wanna talk to you right now. Kung hindi ka lang nag-iisa, malamang matagal na kitang tinakwil sa pamilyang ito! Sign that papers as soon as possible, Tristan or else pare-parehas tayong pupulutin sa kalye!” his voice echoed as he went upstairs.
Naguguluhang lumingon si Tristan sa inang naluluha. Hindi niya masyadong maintindihan ang mga sinasabi ng ama. Ano ang tungkol kay Helise at sino ang kakilala nito?
Sobrang gulo.
“May dalawang lalaking nagpunta dito kagabi at nakausap ng daddy mo. Noong umalis ang mga lalaking iyon bigla na lang naging balisa si Roman. Hindi mapakali at panay ang sisi niya sayo, anak.”
Lalong naguluhan si Tristan. “Who are they?”
Umiling ang ina. “I don’t know.” sagot nito. “maybe its about something that your dad fears, it’s about business. He kept on saying that you are ruining everything that we had because you cheated, anak.”
“Are they related to Helise? Bakit sinabi ni dad na pare-parehas tayong pupulutin sa kalye kapag hindi ko pinirmahan ang divorce papers namin ni Helise?”
“Can you just sign it, hijo? Baka lalong magalit ang dad mo at itakwil ka. Mukhang hindi nagbibiro iyong mga lalaking nagpunta dito kagabi. They’re not armed but they were scary.”
Maybe they’re Henry’s men?
Umiling si Tristan. “Hinding hindi ko susukuan ang asawa ko. Hanggang sa mamatay ako, siya lang ang dapat na asawa ko.”
Iyon ang sagot ni Tristan na may paynalidad bago umalis sa bahay ng mga magulang. Kung hindi na siya tutulungan ng ama ay siya na lamang ang kikilos.
Gagawa ng paraan si Tristan para bumalik sa kanya si Helise.
Pumasok siya sa loob ng sasakyan at saka pinaandar iyon, nagpunta siya sa condo unit ni Barbara. Kung ito ang problema, iniisip ni Tristan na kailangan niyang palayuin muna si Barbara para kumalma ang asawa. Maybe if Helise found out that Barbara wasn’t here now, maybe she’ll calm down.
Nakarating si Tristan sa unit ni Barbara pero hindi na naabutan doon ang dalaga, wala ito doon kaya minabuti niyang tawagan pero napansin niya sa mga text messages na may ilang text ito sa kanya kagabi pa.
**
Nasa hospital ako, kailangan ng guardian ko.**
Hospital?
Is something happened to his child?!
Halos takbuhin ni Tristan ang pagitan nila ng parking lot para mapuntahan kaagad ang hospital na iyon. Binanggit naman ni Barbara sa ilang mga text message nito kung saan ito na-confine.
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...