Chapter VIII

1.1K 13 0
                                    

Chapter VIII - Where have you been?

DALAWANG buwan halos walang naging balita si Helise sa asawa but Emil kept in contact a month after the incident, ito lang ang nakikipag-usap sa kanya at nag-a-update sa kalagayan ng asawa. Tristan was still taking his time. Nahihiya pa rin daw itong magpakita sa kanya. Bakit? Is he afraid that she might judge him? No, Helise will not do that, she just wanted him to come home. Emil said that it was a big trauma to Tristan, pero ang sabi rin ay medyo bumubuti na ang kalagayan nito at nagsasabi na rin na gusto nang umuwi. Gumiginhawa si Helise kapag nalalaman iyon.

Nakabalik na rin si Helise sa hotel dahil hindi niya rin matagalan na pabayaan ito kahit na sobrang dami niyang iniisip. In fact medyo bumaba ang kita nila dahil sa issue ng asawa. Though his name was already cleared from any involvement of murder and he already proved that he was also a victim, hindi naging maganda ang impact nito sa negosyo lalo na’t naibalita rin kung gaano kalaking pera ang natangay sa asawa.

Ilang linggong pinagpyestahan ng media iyon pero kailanman ay hindi nagbigay ng statement si Helise dito. Wala na siyang balak dagdagan pa ng pagkakakitaan ang press.

Abala si Helise sa opisina kahit na maraming iniisip tungkol sa asawa. Her life must go on and so their business, ayaw niyang pabayaan ang hotel. She will not let their business to fail again, marami na ang pagod at hirap niya sa family business ng asawa para pabayaan ito. Isa pa, she loves the hotel. Mahal niya ang ginagawa niya that is why she was giving all the time that her husband needed.

Kumatok si Lucy sa opisina ni Helise.

“Come in.” sagot niya habang abalang hinahanap iyong papeles na kailangan niyang reviewhin ngayon.

Pumasok si Lucy sa loob, nag-angat ng tingin si Helise at nakita niyang may dala itong isang basket ng prutas.

Again?

Nilapag ni Lucy ang basket ng prutas sa mesa. “Galing po sa Salvatore vineyard.”

Binaba ni Helise ang ballpen at hinila palapit sa kanya ang isang basket ng prutas, binasa ang maliit na card na maingat na nakatali sa pulang ribbon.

Cheer up and stay healthy.

Iyon lang ang nakasulat doon pero gumaan ang pakiramdam ni Helise. Mula nang pumutok ang issue tungkol sa asawa, halos palagi nang nagpapadala ng prutas o bulaklak ang Salvatore vineyard sa kanya, siguro ay talagang concern ang matandang Salvatore para sa kalagayan ni Helise.

Sigurado naman siyang galing ito kay Don Philippe Salvatore dahil malapit siya sa matanda lalo na noong ito pa ang may hawak ng Salvatore vineyard.

“Tell them I was really grateful.” she smiled while looking at the fruits.

Tumango si Lucy at sinabihan niya itong bumalik na sa trabaho. Inayos naman ni Helise ang prutas sa kabilang mesa niya bago siya bumalik sa ginagawa. Subsob kasi ngayon si Helise sa trabaho kaya minsan ay hindi na rin nakakasama sa mga kaibigan, Jelly’s keep on messaging her if she’s okay, palagi naman niya itong sinasabihan na ayos lang ang kalagayan niya. Mabuti nga at minsan ay nakakausap niya si Chesca, since she’s one of their head manager here in Makati branch, palagi niya itong nakikita kahit na pareha silang abala.

Ang kuya niya at asawa nitong si Samantha ay bumalik na rin sa sariling bahay, sinabihan niya kasi na maayos naman ang lagay niya at kalmado na siya, kahit na ayaw pa sana ng kapatid niya na bumalik sa sariling bahay ay napilitan na rin ito, they have their own life ayaw na niyang abalahin pa ang mag-asawa. Para na rin makapampante ang kapatid, pumayag na si Helise na magdagdag ng security gaya ng suhestiyon ng kuya Henry niya. 

Palagi rin siyang tumatawag sa mga in-laws niya, parehong nakikibalita kung personal na bang natawagan si Tristan, her mother-in-law’s health isn’t in good condition, namayat ito dahil sa pag-aalala sa anak kaya naawa rin si Helise. Minsan ay pumupunta rin ang father-in-law niya sa hotel para tulungan siya, she appreciate it.

Gold Ring of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon