Chapter XX - THE DIVORCE II
HELISE waited at least six weeks for the trial to happened and another two months for the divorce to be finalized. She could never forget what today was, she can finally removed the gold ring of betrayal out of her ring finger. She was no longer a Mercado and she’s back with being Helise San Isidro.
Mariing tinutukan ng ilang media at newspapers ang divorce nila ni Tristan pero naging tahimik si Helise sa mga pahayagan at hinayaan na matapos ng tahimik sa korte ang lahat. Nag file din siya ng restraining order laban kay Tristan dahil panay pa rin ang tawag nito sa kanya. Noong una nga ay tinanggi nito na pinirmahan nito ang mga dokumento pero sa huli ay umamin din na siya ang pumirma doon.
And throughout the trial, Tristan’s parents didn’t even looked at Helise. May ilan pa ngang balitang nasagap si Helise na magpapakasal si Tristan at Barbara bago matapos ang buwan na ito. Kung totoo man iyon, mas lalo lang napatunayan ni Helise na tama ang desisyon niya. She couldn’t believe how Tristan was itching to marry his mistress while trying very hard not to divorce her.
“Finally! No longer a Mercado!” it was Monica who said that and offered a toast.
Nasa isang private yatch sila ni Jelly. Ito ang nag-arrange ng celebration para sa naturang divorce ni Helise. All of her girls are here except for Chesca na hindi matawagan.
Tumawa ng bahagya si Helise bago tinanggap ang toast na iyon. Kanina pa nga hindi matanggal ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Helise mula nang bumaba ang desisyon ng korte.
“This is a bit too much Jelly! Hindi ba magagalit si Mayor nito?” tanong niya, tinutukoy niya ang asawa nitong politician. “The election is coming, baka masilip ka ng media na pa-party party lang?”
Umirap ito sa kanya. “Don’t worry about them Hel! At pwede ba! We’re here to celebrate you being single again! Huwag ng kung ano-ano ang iniisip mo dyan!”
“She’s right.” segunda naman ni Samantha na inakbayan pa siya. “Why don’t you tell us your plans?” ngumisi ito ng makabuluhan sa kanya.
Napailing siya sa hipag.
“Right? Is it something about my other client?” si Monica na para bang may alam na rin.
Hindi makapaniwala si Helise na na-corner siya ng ganito ng mga kaibigan! Pero bago pa man siya makasagot sa dalawa ay bigla na lang napasigaw si Jelly sa gulat habang nakatutok ang mga mata nito sa cellphone.
“You need to see this, girls.” anito at saka pinakita ang screen ng phone. “Tristan got married!”
‘Married right after divorce’
Iyon ang headline title na nakalagay sa isang online news. So, he married his mistress after all?
“Amazing!” natatawang sabi ni Monica. “he’s really an assh•le right?”
Hindi naman umimik si Helise, yumuko siya para tignan ang hawak na champagne. Wala namang kaso iyon kung magpakasal man kaagad si Tristan, hiwalay na sila. Siya nga noon, hindi pa sila hiwalay ay nagpa-plano na siyang magpakasal sa iba.
Pero bakit nakakaramdam si Helise nang kirot sa dibdib? Tristan’s decision to get married right after their divorce was really good for her plan pero iba pa rin pala kapag nangyari na. May kirot pa rin.
Hindi naman siguro siya masisisi. She loves him for decades. They were together since childhood, what they build together during that time isn’t that easy to erase from her memories. Kung mayroon nga lang magic potion na nakakapag-alis ng memorya niya tungkol sa lahat ng pinagsamahan nila ni Tristan ay ininom na niya iyon nang walang pag-aalinlangan.
![](https://img.wattpad.com/cover/290370553-288-k901760.jpg)
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...