Chapter XXVII - Good news
IT was raining heavily, bigal na lang lumakas ang ulan habang nasa byahe sila papuntang Hospital kaya tinabi na muna ni Kallisto ang sasakyan sa gilid dahil medyo makapag ang ulan kaya delikado sa daan. He turned on the music inside the car para yata hindk maburyong si Helise, pero sa totoo lang, mas lalo siyang nilalamig dahil sa ulan.
“Are you cold?” her husband asked. Kumuha ito ng coat sa backseat, inayos ito bago ipinatong iyon sa dibdib ni Helise.
“I think I’m having a flu. You should wear a face mask.” she suggested.
“That’s fine, I could kiss you right now.” biro nito.
Natatawang napa-irap siya sa asawa, but then she was really tired.
Nang medyo humina na ang ulan ay saka nila pinagpatuloy ang byahe, mabuti na lamang at medyo malapit na sila sa Tianco Memorial Medical Center, doon nga pala nagta-trabaho si Jelly. Alam ng kaibigan na pupunta sila kaya sumalubong din ito sa kanila. She looks pretty in her doctor’s gown.
“I’ll refer you to dr. Priero. He’s from internal medicine. He’s a good doctor.” anang kaibigan. Nilingon nito si Kalli. “is it that serious? Bihirang bihira magkasakit itong si Helise.” sabi pa ni Jelly.
“Yeah. I’m sorry, I didn’t take good care of her.”
“What are you saying?” saway niya sa asawa. “This is just a simple flu, Jelly.” lingon niya sa kaibigan.
Nakarating sila sa office ng internal medicine doctor. May pasyente pa itong ina-attend that time pero saglit lang naman sila naghintay, lumabas din ang pasyente pati ang doctor.
“Doc Prieto! This is my friend Helise, she’s here for a check up. I think she’s having influenza.” aniya.
Tumango ang matangkad na lalaking doctor. “Okay. Hello, my name is dr. Froilan Prieto, internal medicine doctor. Shall we go inside?”
Tumango naman si Helise, nilingon niya si Kallisto.
“I’m sorry, due to covid-19 protocol, pasyente lang ang pinapapasok sa office.” paliwanag ni Jelly. “We can wait for her here, instead.” dugtong nito.
Tumango si Kalli, hinaplos muna nito ang kamay ni Helise bago binitawan iyon.
Pumasok na si Helise sa loob, pinaupo siya ng doctor. The nurse inside checked her blood pressure and weight. Pagkatapos noon ay saka siya ininterview ni Doc Prieto.
“I drank some over the counter medicine yesterday because my head was aching too much, bumuti naman ang pakiramdam ko maghapon but this morning it became worst, I was feeling nauseous and tired.”
Tumango-tango ang doctor.
“When was the last time of your monthly period?” tanong nito.
Kumunot ang noo ni Helise. Why is he asking that?
“I’m irregular so....” hindi na niya natapos ang sasabihin kasi bigla na siyang kinutuban kasabay nang sobrang pagkabog ng kaniyang dibdib. Tears began falling from her eyes. “Doc... I’m...”
Ngumiti ito sa kaniya. “I think so too.” sinara nito ang folder na hawak. “I’m referring you back to your friend, Dr. Jelly.”
Mabilis na pinunasan ni Helise ang luhang pumatak galing sa mga mata. It’s not yet confirm, relax, Helise! Stop giving yourself false hopes! Para hindi naman masakit kapag wala talaga.
Huminga ng malalim si Helise, sabay silang lumabas ng doctor. Sa labas ang naabutan lang nila ay si Jelly.
Where is her husband?
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...