Chapter XV - The Agreement II
“I AM planning to divorce him as soon as possible. Ipapa-ayos ko na sa kaibigan kong atty. ang pagbenta ng shares ko.” ani Helise.
Tumango naman si Kallisto na patuloy lamang na nakikinig sa kanya at mukhang wala itong balak na kontrahin lahat ng sinasabi ni Helise.
“.....but the announcement of my divorce will be getting a delay.” patuloy ni Helise.
Ngumisi si Kallisto at mukhang naisip na nito kung ano ang pinaplano ni Helise.
“The Mercado Hotel and Restaurant Founding Anniversary.” banggit ng binata.
That's correct. She has bigger plans regarding sa announcement ng divorce nila ni Tristan, it was going to be the start of everything. Isa pa, kailangan niya pang humanap ng mas magandang tiyempo para banggitin kay Tristan ang balak niyang pakikipagdiborsyo dito.
“And regarding to our wedding, let's wait three months after my divorce to announce that. Pwede muna nating unahin ang engagement announcement.” sabi ni Helise.
“Whatever you like.” anito. “The only thing that I want is you....”
Huminto ito saglit kaya kinabahan si Helise, hindi niya maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
“.....not 'acting' the role of being my wife because we are going to get married.... FOR REAL.” may diin sa huling mga salitang sinabi nito.
Para tuloy gusto pang pag-isipan ni Helise kung gagawin niya ba talaga ito.
Umiling si Helise para bumalik sa huwisyo ang isip. “Does my brother knows about this?”
“No.” he answered.
Tumango si Helise. “Good. We can just tell him that we're getting married after my divorce. I don't want him to freak out though my divorce will make him fumming mad.” aniya. Tumigil saglit si Helise bago nagtanong muli sa binata. “The land that you were talking about.... We can also dicuss that.” sabi niya.
Para kasing halos lahat na lang ay tungkol sa plano ni Helise ang pinag uusapan nila na tila ba wala itong planong pag-usapan ang tungkol sa lupang hinahangad nito kaya sila magpapakasal.
“We can discuss about that after you are satisfied with your revenge. Hindi naman ako nagmamadali.” simpleng sagot nito.
Gusto pa ulit magtanong ni Helise dahil noong huling sinabi nito ay kailangan na kailangan nito ang lupang iyon pero bakit tila bigla itong nagbago ngayon? But there's so many things to solve in her shoulders right now, wala na siyang pakialam sa ibang bagay bukod sa paghihiganti niya.
Tumayo na si Helise at nagpaalam. “I'll be going then.”
“My assistant will see you out.” sagot nito bago binalik ang atensyon sa mga papeles na kaninang binabasa nito bago dumating si Helise.
Isang tingin pa ang binigay ni Helise sa binata bago tuluyan nang umalis doon. Ang balak niya ay kausapin na si Monica para malipat na ng legal ang mga properties niya sa pamangkin niyang si Hunnirose. Kailangan nang madaliin ni Helise ang mga bagay bagay bago pa makatunog ang kuya niya.
She didn't want her brother to freak out when he finds out everything. At sigurado si Helise na kapag nalaman nito ang totoo, baka ipapapatay nito si Tristan. Hindi nila alam ang totoong ugali ni Henry. Her brother was warm like the sun but he can be dangerous like satan.
Ayaw ni Helise na madumihan pa ang kamay nito at paano niya papahirapan ng husto si Tristan kung patay na ito?
“MAGPAPAKASAL ba tayo?”
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...