Chapter XXVI - Confrontations
“MABUTI naman at naisipan mong makipagkita sa amin. We thought you were too busy in bed with your husband! Nasa honeymoon phase pa kasi kayo.” si Jelly, linggo ng tanghali, nagkita-kita silang magkakaibigan sa isang cafe malapit sa law firm ni Monica. “Gosh! Your husband is hot so I will not blame you.”
“You’re lusting over my husband.” natatawang biro niya habang pinanlakihan niya ng mga mata ang kaibigan.
“Hard pass. Masarap ang asawa ko.” dipensa ni Jelly habang tumatawa. “So, may nangyari na nga?” pilyang tanong ni Jelly.
Tumikhim si Helise at saka kinuha ang baso niya para uminom. Gosh! Bakit ang daldal ni Jelly? Noon pa man hindi siya kumportableng pinag uusapan ang s•x life niya.
“Jelly, ano ka ba! Malamang mayroon na! Hindi lang siguro isang beses, kundi marami na!” si Samantha ang sumagot habang natatawa sa ekspresyon niya. “mukhang malakas ang tama ni Kalli sa kaibigan natin e.”
“Aba dapat lang! No one can hurt our Helise anymore.” Chesca said.
“So, what’s your plan now? Balak mo bang bilhin ulit ang dati mong shares sa MHaR?” biglang tanong ni Monica na katatapos lang humigop ng kape.
“Ito naman si Monica, masyadong seryoso! Enjoyin muna ni Helise ang buhay bagong kasal.” si Jelly.
Binaba naman ni Helise ang hawak niyang isang baso ng pineapple juice. Come to think of it, gustong gusto niya talagang mabawi ang MHaR pero bakit ngayon pakiramdam niya, may kung anong pumipigil sa kaniya.
“Honestly, you should take a break, Hel. Kung okay ka naman na sa buhay mo ngayon, why bother diba?” ani Samantha.
And she’s right about that.
“You’re right, Sam but the moment I had my steps again inside the main office of that Hotel. I felt my urge to claim it back from them. Pakiramdam ko kasi hindi magtatagal ang negosyong iyon na si Tristan lang ang humahawak. My effort saving that business will be in vain.” paliwanag ni Helise sa mga kaibigan. “but I also want to explore and experience new things in business, I wanna help Kallisto with thr vineyard.”
“Then choose the latter, Hel.” Monica advised. “I think you will be happier with that.”
Magiging masaya siya?
What is the main purpose why she got married again? Why she agreed to this remarriage? To have revenge. But is it worth it?
“Oh my god! Oh my god!” gulantang na ani Jelly kaya pati si Helise ay napatigil sa iniisip. “look who’s f•cking here.” eksaheradang anito.
Lumingon si Helise sa entrance, nakita niyang pumasok doon si Barbara Bunagan, ang bagong asawa ni Tristan. Kasunod nito ay tatlong babae na namumukhaan ni Helise, parang mga anak iyon ng mga amiga ng dati niyang mother-in-law.
Umupo ang grupo medyo malayo sa kinauupuan nila pero tanaw nila ang pwesto ng mga ito.
“Gosh! She’s wearing the same bag as you! At diba may ganyan kang shoes?” si Chesca ang namuna noon.
Kumunot ang noo ni Helise pero inalis na niya ang tingin sa babae. She’s not interested to Barbara anymore. Maaaring tinakot niya ito noon, but she was not thinking straight that time, and she was threatened because she was pregnant with Tristan’s child but knowing now that she’s a fake, wala na siyang pakialam dito.
“She’s obviously provoking you, Hel.”
“They’re looking here.” si Chesca.
“God! That feeling innocent b•tch! I can still remember how they spread rumors against you na wala ka raw kakayahan magkaanak! Pati ang mom ni Tristan parang sumasang-ayon doon.”
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomansaBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...