Chapter XXI

1.2K 21 3
                                    

Chapter XXI - The second wife

IT’S been three months since he married Barbara, his second wife. Wala na ang dating mansyon na tinitirahan nila ni Helise dahil naibenta na iyon at napaghatian na ang lahat ng ari-ariang mayroon siya sa dati niyang asawa. Helise also had ten percent shares from MHaR, galing iyon sa shares niya noong nagdivorce sila. Nagulat nga si Tristan nang malaman niya na wala na palang shares doon ang asawa at ang ilang ari-arian nito ay nakapangalan na sa pamangkin nito kaya wala siya masyadong nakuha sa kayamanan ng dating asawa.

Hindi naman iyon balak habulin ni Tristan, at bilin din ng kaniyang ama na huwag na siyang umapela sa kung ano man ang magiging hatol ng korte.

He married Barbara immediately right after his divorce because his mother pushed him to do that, dahil baka raw hindi ipa-apelyido sa kanila ang bata kapag hindi sila nagpakasal. Barbara would never do that, she loves him very much. Wala din naman nagawa si Tristan kundi sundin ang ina kaya sa huli ay pinakasalan niya ito.

It was only a civil wedding to avoid the crowd but still iba’t ibang paratang pa din ang binato sa kanya. He doesn’t care anyway. Rich people doesn’t care about gossips as long as they’re making money.

Naging gain pa nga ng Mercado Hotels ang mga chismis na binato sa kaniya dahil maraming kuryoso sa pinalit niya kay Helise, at marami din silang naging guests sa iba’t ibang branch.

Ang huling balita ni Tristan kay Helise ay nangibang-bansa ito at nagbakasyon, after that wala na siyang alam kung kailan ang balik nito. For sure, she will comeback.

And hopefully she will also comeback to him.

Honestly speaking, he still kept their wedding rings. Nakita niya iyong kay Helise sa labas ng korte, tinapon iyon ng ex-wife niya. He couldn’t bare to let her go that’s why for now, he kept the rings and waiting for one day, they will put these in their ring fingers again.

Bumaba si Tristan mula sa pangalawang palapag ng mansyon, narinig niya ang ingay sa living room kaya dumiretso siya doon. Nakita niya ang ina at ama kasama si Barbara habang nagbubukas ng sandamakmak na paperbags at boxes.

“Oh! Buti naman at bumaba ka? Look at these, ang gaganda ng pinamili ko para sa apo ko!” tuwang tuwa na sabi ng ina.

Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi. “Kanina pa kayo nandito?”

“We just got here, son.” ang ama niya ang sumagot. Naka-upo ito sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo. “Nagkaroon daw ng problema sa isang branch ng hotel sa Makati?”

“Yeah, pero naayos ko na, dad.”

Tumango ito.

Binalingan ni Tristan ang asawa, malaki na rin ang tyan nito. They’re having a baby girl and the excitement he was feeling is beyond cloud nine. Ilang taon niya rin ba itong hiniling? Hindi man kay Barbara kundi kay Helise.

“You should learn how to manage our business, Barbara. After mo manganak ay isa ka na rin sa magha-handle ng kumpanya. I expect you to learn and contribute a lot to our company like what Helise did.” prangkang sabi ng ama.

Napansin ni Tristan na natigilan ang asawa. Mabuti na lamang ay nagsalita ang kaniyang ina.

“Roman! Stop saying that. Stressing her out might affect the growth of our grandson.” pagtatanggol nito kay Barbara, hinaplos pa ang tyan nito. “hindi na natin pinag-uusapan pa ang mga taong hindi na parte ng pamilyang ito.” mahinahon na sabi nito.

-

“Mag-aaral ba ako pagkatapos kong ipanganak ang baby natin?” tanong ni Barbara nang nasa byahe sila papunta sa hospital. “Nag e-expect ng mataas sa akin si D-dad, baka hindi ko mapantayan si Ma’am Helise.”

Gold Ring of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon