Chapter XII - THE MISTRESS
WHILE Helise was looking at the woman kneeling in front of her. Her men was busy installing hearing spy device in different places inside the condo, hindi iyon nahahalata ni Barbara dahil nakayuko ito at tila nabato na sa kinaluluhuran. Hindi yata makapaniwala kung sino ang nasa harapan nito ngayon. Hindi ba nito inaasahan na maaga niyang malalaman ang kahayupang ginagawa ng asawa sa kanyang likuran? Kung tutuusin ay baka matagal na nga ito, mula ng nagpunta ito ng Batangas? That was almost four months ago.
“Gio,” tawag niya sa head security. “Find me a wine and serve me a glass of it.”
“Yes ma’am.”
Hindi inalis ni Helise ang tingin kay Barbara na ngayon ay mukhang nanginginig na sa takot.
Gio served her a glass of wine. Inamoy iyon ni Helise, base sa aroma nito halatang mamahaling wine, isa sa mga paborito ni Tristan.
“Barbara....” o basura?
“Ma-mada-m....” sagot nito, hindi makatingin kay Helise.
“Kailan pa?”
Nagsimula na itong umiyak. “Mada...m... parang awa niyo na po...”
“I don’t need your pleads and cries. Give me an answer.” kalmadong tanong ni Helise bago inimom ang wine. Hindi man lang natinag sa kanyang kinauupuan. “Kailan pa kayo nagsimulang maging basura ng asawa ko?”
Mga hikbi ni Barbara ang bumalot sa loob ng condo.
Binsag ni Helise ang wine glass, sa gulat ni Barbara ay lumuhod pa itong lalo at hinawakan ang sapatos ni Helise, nagmamakaawa ito sa kanya.
“Sa Batangas pa po madam.... Please wag niyo po akong sasaktan... Wag niyo po akong ipapapatay. Hindi ko po alam na may asawa si Tri... Sir Tristan noon. Akala ko po... Please.... Wag niyo po akong sasaktan....”
Hindi mo alam?
“So my husband seduced you?”
“Madam....” humagulgol na ito.
“I’m not here to hurt you or to kill you.” hindi pa rin nagbabago ang tono ng pananalita ni Helise, kalmado pero nagyeyelo sa lamig. “How much do you need to stay away from my sight? Including my husband’s side.”
Umawang ang labi nito, para bang hindi ito ang inaasahang sasabihin o gagawin ni Helise kay Barbara. Napasalampak na ito sa sahig, binitiwan na ang bandang paanan ni Helise.
Hindi rin naman ito ang tunay na plano niya noong una. Gustong gusto niya talaga itong sampalin, saktan o baka magdilim pa ang kanyang paningin at higit pa doon ang magawa. But she choose the classy way of handling this kind of situation. She can offer her money to stay away from them.
Eventhough she is hurting, she still choose the stupid way like protecting her husband’s image from this scandal.
Tumayo si Helise, kinuha ang bag. “You can gave me an answer anytime.” tumalikod na siya at naglakad na papalis nang magsalita pa si Barbara.
Kahit na pabulong iyon ay halos gumuho si Helise sa narinig.
“Hindi po pera ang kailangan ko....” hikbi nito. “kundi ama ng magiging anak namin...” halos pabulong na sabi nito.
Galit na lumingon si Helise kay Barbara. Nanlalaki ang mga mata sa gulat at galit dahil sa narinig. Gusto niyang kumpirmahing hindi iyon parte ng mga imahinasyon niya. Naglakad siya pabalik kay Barbara, binitiwan ang bag, at umupo katapat nito habang marahas na hinawakan ang magkabilang balikat nito.
BINABASA MO ANG
Gold Ring of Betrayal
RomanceBETRAYAL SERIES BOOK 1 Helise San Isidro-Mercado was happily married with her childhood sweetheart-Tristan Mercado. They were very happy but she felt so much pressure when it comes on conceiving. Tristan and his family wants a baby but Helise for so...