002.

143 10 3
                                    

⸺ | archer’s pov

we’ve been waiting for almost an hour now and we started a little chit-chat when cassidy arrived after we called the twins.

according to sawyer aka cassidy’s best friend, she’s grumpy around people who don’t fit her vibes especially when they are slow and close minded. ayaw na ayaw daw nito kumausap ng hindi agad nakakaintindi at higit sa lahat, ayaw niya ng hindi makasabay sa kanya. everything turns her off except if you’re someone she likes then you’re lucky but, if you're someone else then sit down and leave her plate alone.

habang nag-uusap kami, i turned to javler who kept stealing glances at cassie na abala sa pakikipagkwentuhan sa amin. javler’s crush on this girl is so obvious that pansin ito ng buong klase.

“on the way na raw yung kambal so let's head to the gym then?” aya ni astrid samin tapos ngiting ngiti na mukhang excited ata.

her personality is so bubbly and cute na para siyang maliit na bata na tuwang tuwa sa lahat. if she and guile are not around? wala nagpapagana samin.

we went to the gym to finish the filming. we also wanted it done before the day ends but it seems like aabutin pa ito ng bukas dahil mabilis ang oras.

“where is paris when you need her” thorn suddenly spoke with a hint of annoyance as he passed by us na naglalakad.

bukod kay paris at astrid, kasama rin si thorn na leader sa filming kasi siya ang script writer namin kaya inis na inis siya pag kulang kami.

“let her, kung sino wala mag-solo na lang diba?”  we all turned our heads kay kreed na naghahanap na naman ng away.

minsan ang sarap niyang batuhin ng upuan dahil tahol siya nang tahol ni hindi naman siya aso dito. edi sana pala sa bahay na lang siya tumahol para naman may taga-bantay kami.

they stopped from walking and so are we. “why don’t you do it instead? para bawas yung problema namin sa filming”  imik ulit ni thorn na puno na ng inis ang mukha. hindi talaga nagpapa-awat si kreed kahit sa ganitong bagay.

he doesn’t even understand kung gaano kahirap ang umasikaso ng isang project na gaya nito at nagagawa pa niya humanap away just for what? 

ewan ko ba, inis na inis na naman kaming lahat lagi kay kreed kasi iba’t ibang ugali meron siya pag kaharap kami.

“awit, ang lakas ng kulog at kidlat baka hindi marinig record mamaya” guile said as we continued walking.

“closed building naman ang gym ah? hindi naman maririnig yun” i said and i think it was the opposite.

imbis na yung lakas ng ulan ang marinig namin ay yung tunog pa ng nasa loob ng gym yung mas aapaw kasi parang sound proof ito kaya lalamang yung tunog sa loob kesa sa labas.

“wait!!!” napatigil kami sa paglalakad ng may nasigaw sa likuran namin.

we saw the twins running to us and agad naming pinatigil kasi baka madulas sila at medyo basa yung sahig dito.

“tan..tangina muntik k-ko na makalimutan na may filming t-tayo ngayon” hingal na hingal na imik ni paris at umakbay sakin.

inalalayan ko muna siya pero lumakad na ulit kami kasi masasayang oras at malayo pa gym nitong campus.

CHAOS AND STORMSWhere stories live. Discover now