006.

87 8 0
                                    

⸺ | guile’s pov

“kwento raw dito dati may kaibigan si mr. vonherc na namatay from another academy na i think DMU yung name?” panimula ni priam.

nagpipigil nalang ako ng tawa dito sa gilid habang nagkwekwento sila sa girls na nakayakap na kay astrid.

since matatagalan sina paris, bigla kami nakaisip na takutin tong mga kasama namin because why not? pampalipas oras din kasi wala kami magagawa rito.

girls are scaredy cats when it comes to ghosts or spirits except paris and astrid pero si tobi ata mas takot pa kesa sa kanila. 

“then the vonherc family didn't even bother going to his funeral kaya tapos ilang araw may nagmumulto raw dito and one of the school staff said it was mr. vonherc’s friend” pagtutuloy naman ni priam samin.

halos takluban ko na bibig ko at di maipakita tawa o ngiti sa kanila. nakakatawa tingnan mga reaksyon nila pag takot. sigurado rin naman akong gawa gawa lang nila yung kwento para matakot sila kaya mas lalo akong natatawa.

“boys that's enough, wag kayo maniwala sa dalawang mokong na yan. madalas lang talaga sila gumagawa ng kwento kapag wala mapagtripan lagi” umirap si astrid samin at umirap naman ako pabalik.

“kill joy ka talaga! minsan lang to, tamo si sawyer oh pinipicturan pa kayo” di ko na napigilan at tumawa na ako nang malakas. i can't stop looking at blaine’s  face as well as kay cassidy na nakalubot na ang noo sa inis samin.

sinisipa niya kami tapos may kasama pang suntok kaya tumakbo kami papalayo sa kanila. delikado talaga pag kasama itong mga to ang lakas.

“hoy, san kayo pupunta? wag niyo kami iwan dito!” nakalayo na kami at rinig pa rin sigaw ni blaine.

umiling kaming tatlo at sinabi ko nalang sa kanila na maglilibot muna kami since ang tagal talaga nina paris tumawag.

“what if we get stuck in here?” tanong ni priam, i shrugged because kung di talaga kami makakaalis dito ay baka dito na kami matulog.

at siguradong mayayari kami sa mga parents namin na di agad kami nakauwi ng mas maaga kaya inabot ng malakas na ulan.

at this point, our parents won’t even care where we are nor why we’re late from going home. it’s already a normal cycle to us and they aren’t even concerned of it.

“holdup, umuwi na ba sina zero, kreed at ivan?” napatigil kami sa paglalakad nung bigla ko natanong ito. “no, ivan was still here earlier with us diba?” priam replied at kumunot noo ko dahil hindi ko ito napansin.

pamula nung natapos filming nawala agad yung dalawa tapos di man lang rin nagpaalam samin kung uuwi na or something.

it's just that ang bilis ko mag-alala pag tropa ko or kaklase ay nawawala tapos malalaman namin nadisgrasya o kung ano man.

lalo na kay ivan, he might be the weirdest nerd in the university pero napaka-bait nito at kung iisipin mas may sense siya kausap kesa dun sa dalawang gulo lagi hanap.

“hindi ko sila nakita kanina, baka nauna na satin after the filming” i said and he nodded. 

sabagay, uwing uwi naman kasi lagi magkapatid ni kreed at khail then eto namang si ivan ewan na baka nagpasundo agad.

CHAOS AND STORMSWhere stories live. Discover now