011

56 7 5
                                    

⸺ | archer’s  pov

“tsk, hindi man lang nila ako hinanap dito” bulong ko sa sarili ko at sinipa sipa yung silya na nasa daan ko.

bakit kasi nilalabas nila mga silya ng classroom tapos iiwan kapag tapos na ang klase. dilim dilim pa naman dito tapos hirap pa ako kumapa sa dadaanan ko kasi dead battery na phone ko.

hindi ko naman namalayan na napahiwalay pala ako kina astrid kanina tsaka ang bilis nila kumilos o sadyang mabagal lang ako?

kahit anong sigaw gawin ko ay hindi nila ako maririnig gawa ng malakas na kulog at kidlat sa labas o di kaya naman ay kumaway sa building namin, ni hindi rin ito makikita dahil sa hamog.

i mentally cursed at myself when something sharp cuts my left leg dito sa pwesto ko. nasa center stairs na pala ako at hindi ko man lang namalayan ito.

napa-upo ako sa gilid at tiningnan ano naman tumama sa paanan ko. “what the hell? why is there a blade here?” inisip ko na lang na baka may naka-iwan nito dito pero nagulat ako nung may maliit na tali pa itong kasama.

the other end of the blade was tied to a rope that looks like a yarn but smaller then yung kabila naman nakatali sa gitna mismo ng stairs.

i was confused why would someone leave something like this in the middle of the stairs tapos saktong daanan talaga.

“it looks like a trap” bulong ko ulit. sana pala may kasama ako rito para hindi ako mukhang tangang kinakausap sarili.

napabuntong hininga ako dahil sumasakit yung sugat kung saan ako natamaan ng blade at mahapdi ito kahit sobrang liit lang naman.

i slightly wiped it off with my towel na nabasa na rin ng ulan kanina at hinintay na mawala pagdugo nito. ilang minuto lang naman at mawawala rin ito kaya tumayo na ako para bumalik sa kabilang building.

i feel dizzy all of a sudden and my head was spinning but i can keep up with walking ahead tapos bigla rin ako nakaramdam ng init sa katawan ko kahit ang lamig lamig dito gawa ng hangin at ulan.

“fu...” i felt ill and fell down the hallways. pinilit ko pang tumayo pero hindi ko na ma-igalaw buong katawan ko.

para akong nasasakal sa nararamdaman ko at hindi ako makahinga nang maayos, unti-unti na rin nanlalabo ang aking paningin at sumabay pa ang takot ko.

wala na ako magawa, kahit sumigaw ay parang wala lumalabas sa bibig ko kaya lalo ako nanghina. ramdam ko ang pag tulo ng pawis ko at sabay na rin na pagpikit ng mga mata ko habang may naririnig akong papalapit sa akin.

hindi ko na nakita kung sino ito at tuluyan na ako nawalan ng malay sa kung nasaan ako.

///

⸺ | sawyer’s pov

kakarating lang nina thorn at paris tapos nagbabangayan na ulit sila, ang sakit na sa tenga ng mga boses nila kaya lumabas muna ako ng room namin.

“ano ba yan, ang bagal ng oras” imik ko sa sarili ko at napansin kong wala pa palang hating gabi kung kanina pa kami naglalaro, nag-uuli at nag-kukwentuhan dito.

parang bumabagal ang oras ngayon hindi gaya ng dati na sobrang bilis kapag may ginagawa ka o sadyang hindi ko lang ito namamalayan?

CHAOS AND STORMSWhere stories live. Discover now