007

86 8 0
                                    

⸺ | thorn’s pov

“anong oras na?” ryker asked as i checked my watch and it's already seven thirty. 

dalawang oras na kaming naglilibot dito sa university at ni wala kami mahagilap na teleponong hindi sira ang linya.

mukhang nawalan na rin power yung ibang facility dito, hindi pa namin alam kung paano paganahin yung generator sa likod ng main facility. nasa akin nga ang mga susi kaso wala naman kami magamit na maayos.

“let's just go back baka hinihintay nila tayo” pag-aaya ni willow at sumunod na kami.

kanina pa kami hindi makauwi at paniguradong naghahanap na rin sina guile ng linyang magagamit para makatawag sila ng sundo.

hindi lang kami nagkasalubong kasi sa kabilang building muna kami pumunta at sa ibang daan kami tumungo.

while walking through the corridors i can feel something from behind and i felt it was following us, but the time i turned around it was all darkness that i saw so i shrugged it off.

maya maya pa nakabalik na kami kung saan namin iniwan yung iba pero sina kreed, ivan at khail lang nakita namin.

“nasaan yung iba?” tanong ni ryker, nagkibit balikat yung tatlo at di rin alam kung nasaan yung iba.

kung kelan nakabalik na kami, sila naman nawala pano kami makakapag usap-usap nito kung hindi kami nagkakasalubong.

“alright, i texted blaine na bumalik na rito” paris said. even though may signal phone niya, text lang nakaya nito and it can't even take a phone call at all.

we also tried on texting our services kanina but the time na gagawin namin yun ay sakto din na nawalan signal kanina tapos pawala-wala ito.

humina yung signal lalo na at lumalakas hangin sa labas, sana lang nag-send yung text ni paris kay blaine. i suddenly felt the cold air hitting my body, lumamig na rin sa loob kaya nagtipon tipon kami sa sulok.

“wala na rin akong signal” imik ni ryker na tingin ko ay sinusubukang maghanap ng signal sa phone niya.

we used willow and ryker’s phone earlier to text some of our close friends outside and even family kung pwede pasundo kami rito, but none of them gave a reply o posible lang na hindi ito agad makakarating sa kanila dahilan ng mahina ang signal sa loob ng campus.

“we're hopeless, stuck na tayo rito hanggang gabi” i sat down on the floor, bahala na kung madumihan uniform ko kasi ngalay na rin ako mag-uli.

i saw willow taking also sitting next to me and laid her head on my shoulder, mukhang napagod na rin.

ganun rin si ryker pero nakatayo lang ito malapit sa exit door ng building namin na parang sumandal na lang sa pader nito.

“ayan na sila” archer spoke making us turn our heads sa grupo ng mga kaklase namin na paparating na.

“where have you bee─” napatigil si priam sa pag imik tapos tinitigan sina kreed.

“wait, kala ko ba nakauwi ka na?” tinanong niya si kreed. “may nanakot kanina sa amin, sa tingin ko ikaw yun” pahabol pa ni priam sabay turo kay ivan.

CHAOS AND STORMSWhere stories live. Discover now