003.

103 9 0
                                    

⸺ | blaine's pov

as of now nasa gym kami still filming kasi hindi agad nakapag-simula kanina dahil kulang pa.

“cut cut! sala position ni kreed” sigaw ni astrid. i'm watching them film their parts dito sa side ng gym.

ang lawak nito at tutal wala pa rin yung part ko kaya kumain muna ako pero habang nakain ako, my phone vibrated from my pockets and it was a message from zero.

have you seen khail and kreed? 

i was confused because as far as i know, tanda naman niya lagi na sabay napasok yung magkapatid so bakit hindi niya alam this time?

hindi ko siya nireplayan kasi nagtaka rin ako bakit wala na naman siya rito? at saan siya nagpunta sa ganitong oras?

nevermind. i’m on my way back sa room.

zero texted again and this time it sounded like he was annoyed about it. something must’ve been going on with the three of them since madalas silang tatlo magkakasama.

napapansin ko lang din na parang humi-hiwalay si zero sa magkapatid kaya siguro hinahanap hanap niya ito ngayon.

“nasaan kaya si zero , can't be reached daw number nya e diba?” archer asked and i furrowed my eyebrows. how could that be when he just texted me a minute ago and now biglang can’t be reached number niya?

“he just texted me a while ago so paanong can’t be reached agad number niya?” i asked them as we shared unknowing looks. “maybe we contacted the wrong number then?” arched shrugged.

“baka magalit na si paris at thorn, wala pa rin natatapos na parts nilang tatlo kasama si kreed” sabi ko saka tumayo papunta sa leader namin.

while i was walking parang nakakaramdam ako ng may nakatingin sakin kahit wala or am i just getting paranoid? 

i know that busy silang lahat kaya wala naman siguro magmamasid sakin habang paglalakad lang ginagawa ko.

“thorn? it's already 12, let’s eat muna” i suggested kasi kanina pa kami rito at mukha namang matatapos na. “wala pa si zero, sabi ko sa inyo tawagan niyo” i explained what zero texted me earlier at yung sinabi ko kay archer.

thorn listened and understood naman kaso mabilis rin maubos pasensya nito kaya naisipan kong kumain muna kami at dun na lang pag-usapan.

we left the gym nang sabay sabay at dumeretso na sa cafeteria kasi lunch time na at baka maubusan pa kami ng ulam.

“may one hour pa tayo? bago next class?” napasapo ako ng noo kay guile.

may pagka-lutang rin ito eh.

“filming day nga natin ngayon kulit mo talaga, guile” tumawa kami sa kakulitan ni guile at mukhang lutang pa ito.

our professors gave us three days para mag-record at film ng naka-assigned samin na roleplay, which is hindi namin sinayang yun and lahat nakinig pero may mga makulit pa rin na hindi pumasok para gumala kaya kinukulang kami sa oras.

“ang lakas ng ulan, may bagyo ba?” tanong ko since hindi rin ako mahilig sa balita.

“kaka-raining in manila niyo binabagyo na tayo” imik ni priam at tumawa na lang kaming lahat maliban kay thorn na seryoso mukha.

CHAOS AND STORMSWhere stories live. Discover now