CHAPTER 15: Bakit Labis kitang Mahal

531 12 0
                                    

Kahit habang nasa taxi ay umiiyak siya , She just can't stop her tears falling into her checks masyado masakit. Hanggang sa dumating na siya sa restaurant na meeting place ng barkada niya ,inayos niya muna ang sarili bago pumasok hinanda na ang ngiti sa mga labi para itago ang sakit na kanyang dinaramdam ng mga sandaling iyun.

"Oh , nandito kana pala.."-Julien.

"Ang tagal mo naman"-reklamo ni Erin

Umupo siya sa tabi ni Julien na kaharap at nasa harap niya si Charm na minasdan siya.

"Pasensya na may pinuntahan pa kasi ako kanina.."-malumanay na paliwanang niya.

Tumango ang dalawa akmang mag sasalita sana si Erin pero inunahan ito ni Charm,

"Umiiyak ka no? yang dalawa mauto-uto mo pero ako hindi …. dahil nanaman ba sa kanya?"

Natahimik siya pati na din ang dalawa ay Napatitig sa kanya , hindi niya alam pero kusang tumulo ang luha mula sa mga mata niya na kanina niya pa pinipigilan malaglag. Kinagat niya ang ibabang labi para hindi siya humikbi.

"Ang gagong yun talaga!!!! arghhh!!! sinaktan ka ba niya??? ha?"-Galit na galit na tanong ni Erin.

"Oo nga ,gago talaga siya ,couz, sasabihin ko to talaga to kay Tita!!"-dagdag din ni Julien.

Na alarma naman siya, " Couz please! Erin please!! ...hayaan niyong ako na sumalba nito , he- he didn't hurt me.."-paos na aniya.

"Oh? eh bat ka umiiyak??"-Nakataas kilay na tanong ni Charm.

"Pumayag na ako"-wala sa sariling bulalas niya.

"Saan??"-Sabay sabay na tanong ng mga ito.

"Sa pakikipag divorce sa kanya.." -mahinang tugon niya.

Saglit natahimik ang tatlo, mamaya pa ay,

"Mabuti naman at natauhan kana, you don't deserve someone like him ...you deserve better"-parang nabunutan ng tinik na sabi ni Julien.

"True..madami pa namang iba riyan"-Charm.

Tumango-tango naman si Erin bilang sang ayon, tumango nalang din siya at hindi na binanggit pa ang tungkol sa agreement kasi panigurado sermon ang aabutin niya.

*****

Dalawang araw ang lumpias pero di man lang umuwi ang lalaki sa bahay nila, di rin ito tumatawag at sa dalawang araw na iyun para siyang buhay na patay. Wala siyang maayos na tulog sa kakahintay rito at kada gabi na umiiyak siya at paulit-ulit na tinatanong ang sarili,

"Bakit labis kitang mahal??"

Walang sagot kaya mas lalo lang siya nalungkot ngayon gabi heto uli siya sa sala tinitiis ang lamig , antok at kagat ng lamok, umaasang sana umuwi na ang lalaki. Maya-maya pa ay napabangon siya ng marinig ang busina sa labas.

"Si King Lex!"

Parang lumukso ang puso niya sa tuwa sa isipang umuwi na rin sa wakas ang lalaki kung pwede nga lang halikan ito at yakapin ng mahapigpit ay gagawin niya pero hindi pwede…. Pag kabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang blangkong mukha ng lalaki ,kahit ganon ay ngitian niya ito at binati,

"Magandang gabi..."

Tango lang ang sinagot nito at deri-deritsong pumasok na pansin niya rin may bitbit itong maliit na bag.

"B-bat may bag ka?"-nagtatakang tanong niya.

Limingon ito sa gawi niya at tinignan siya ng matagal at saka tumalikod uli,

"I don't think i need to answer you but… para tumahimik ka , nag bakasyon kami ni Lyka in macau for two days."

Pagkatapos nito binitiwan ang mga salitang iyun na para bang wala lang. Pumanhik na ito pataas habang siya ay naiwan nakatulala habang tinatanaw ito, wala sarili napatawa siya ng mahina at napahawak sa dibdib,

"Ang saya.. *smile bitterly* habang hinihintay kita at nag titiis sa lamig nasa kandugan ka pala niya.."

~To Be Continue~
Binibiningmary ✍️

A/n; Hello readersssssss matagal tagal na rin ng mag U.D ako soweyyyyyyy po bc po kasiiiiiiiiii hirap pang college kana ih , kaliwa't kanan yung gawain😪 btw happy reading 🤗 don't forget to vote and leave some comments

Bakit Labis Kitang Mahal {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon