Maagang nagising si Queen, maganda ang mood niya, ngayon araw kasi mag uumpisa ang agreement nila ni King Lex, kaya heto siya kinacareer na itong palabas niya. Nasa kwarto pa si King Lex, oo hindi sila nag tabi matulog dahil ngayon pa lang naman mag uumpisa ang lahat. Sabado ng umaga ngayon , bukas day off ng lalaki at plano niya sanang yayain itong mamasyal at mag overnight sa isang hotel. Pangarap niya talaga yun noon pa , ang makasama itong mamasyal sa labas kaya umaasa siyang matutupad ito ngayon. Maingat na inayos ang mga niluto at maingat na nilagay sa mesa ng timpla rin siya ng kape. Malapad ang ngiting minasdan niya ang lamesang puno ng pagkain.
"Hayy , sana ganito nalang araw araw" -nangangarap na bulong niya.
Napabuntong hininga siya , mamaya pa ng desisyon siyang umakyat sa itaas para gisingin ang kanyang mahal na asawa. Bago pa man siya maka katok , bumukas na ang pintuan , bumukad sa kanya ang lalaking bagong ligo, amoy na amoy pa niya ang shower gel nito.
"Goodmorning"-masiglang bati niya sabay ngiti.
Blangko ang mukha ng lalaki , hindi man lang siya nito ngitian o sumagot man lang imbis tinaguhan lang siya nito. Napawi ang ngiti sa labi niya sa inasta ng lalaki parang gusto niyang ipaalala ang agreement nila pero tinatamad siyang pilitin ito o turuan. Napabaling ang atensyun niya sa kwelyo nitong hindi maayos, mabilis na lumapit siya rito at hinawakan ang kwelyo nito at inayos iyun. Bahagyang napa atras ang lalaki marahil hindi nito inaasahan ang ginawa niya pero hindi ito ng komento kaya nakahinga siya ng maluwag.
"Sa susunod tawagin moko pag kailagan mo ng taga ayus nito----"
Di niya natapos ang sasabihin ng umatras ang lalaki saka malamig na sinabi ang mga katagang ito,
"Malalate naku sa office , kaya tumabi ka!"
Natigilan siya at napatanto parang may mali, hindi ba't may kasunduan sila? Pero bakit tila wala pinag bago ang pakikitungo nito sa kanya? Kundi lumala pa.
"Hindi ka ba tatabi?"-pasinghal na tanong nito.
Napakurap kurap naman siya , "Sandali nga lang, hindi ba't napag usapan natin ang bagay na ito? Bakit ganyan ka ngayon umasta?"-Di niya maiwasang isumbat.
"Ayy, oo nga pala ,ngayon na pala mag uumpisa ang kaartehan mo, pasensya na nakalimutan ko.." -nanunuyang saad nito at nilagpasan siya.
Kinalimutan nito? Habang siya nababaliw sa kakaisip tungkol sa agreement na ito tapos sasabihin lang nitong "Kaartehan niya lang. Wow naman!"
Huminga siya ng malalim at pinilit pakalmahin ang sarili,
"Oky lang yan self , tiis tiis pa ,hindi mag tatagal mawawala rin itong kabaliwang pag ibig nararamdaman mo. Durugin mo ng pinong pino ang puso ko hanggang sa mapalitan ng pag kamunghi itong pag ibig ko sayo.."-bulong niya sa hangin na punong puno ng pait at hinanakit.
Inayos niya ang sarili at sundan na ang lalaki,
"Teka ,Lex, mag break fast ka mona at mag kape bago umalis.."-mahinahong alok niya saka tinitigan ito na para bang pinapahiwatig niyang , "Uupo-ka-o-walang annulment-na-magaganap"
Napabuntong hininga ito saka umupo at sinabayan siyang kumain. Habang kumakain ,sinulyap-sulyapan niya ang lalaki ,lihim na pinag aaralan ang itsura ,ekspresyon, at pag galaw nito.
"Stop staring ,kanina ka pa"-seryosong saway nito kaya mabilis na ng bawi siya ng tingin.
Walang imik na nag patuloy ito, mamaya pa at tumayo na ito nakinatayo rin niya ng akmang aalis na ito mabilis na pinigilan niya ang lalaki.
"Teka! Dalhin mo pala ito, para sa lunch mo yan ,para di kagutumin" -malumanay na paliwanang niya sabay abot sa ng lunch box sa lalaki. Napatitig ito sa kamay niya at sa luch box tila ba iniisip nito kung tatanggapin ba nito iyun o hindi pero mamaya pa ay inabot din nito saka humakbang patungong pintuan.
Nasa labas na sila ng gate , akmang papasok na ang lalaki sa driver seat ng pinigilan niya ang braso nito,
"Ano nanaman?"-may halong inis na tanong nito.
Imbis na sumagot ay tumingkad siya upang abutin ang pisngi nito. Hinalikan niya ang pisngi ng lalaki , hindi ito naka react agad umatras na siya at ngitian ito sabay sabing,
"Mag iingat ka sa bayahe at mag enjoy ka sa trabaho mo, huwag mo ding kalimutan ubusin ang pinadala kong pagkain. Hihintayin ko ang pag uwi mo mamaya"
Kumaway na siya sa lalaki na ngayon ay nasa loob na ng kotse nito habang siya ay nasa gate nila nakatayo at hinahatid ng tingin ang kotseng papalayo. Wala siyang nakuhang sagot mula sa lalaki, hindi na siya ng taka ,lagi naman ganon. Nag mawala na sa paningin niya ang kotse ng asawa ay pinahid niya ang luha pumatak galing sa mga mata niya at pilit na ngumiti.
"Ano ba naman to! nagiging iyakin na ako, makapasok na nga Lang.."
~To Be Continue~
Binibining mary ✍️A/n: Dahil mahal ko kayo at special kayo sakin another chapter 💓😘 lablab everyone😘
BINABASA MO ANG
Bakit Labis Kitang Mahal {REVISING}
General FictionTahimik na minamasdan ni Queen ang asawang nakahiga sa kama na kung sana ay kama nila ngunit hindi. Dahil hindi sila normal na mag asawa gaya ng iba. Yes they married but just in piece of paper. Mas lalo lang siya nalungkot sa ideyang yun, lalo pa n...