Minasdan niya ng maigi ang lalaki, halata sa expression ng mukha nitong hindi nito na gustuhan ang kanyang sinabi. Napabuntong hininga siya, ganon ba siya kahirap pakisamahan?.
"Kung nahihirapan ka pwede naman wag nalang natin ituloy pero simpre hindi din matutuloy ang annulment----"
"No!!"-mabilis na tangi nito.
Napatitig siya sa lalaki , bumuntong hininga ito at tumingin sa mga mata niya.
"Ituloy natin… 2 months lang naman yun kaysa sa habang buhay ako mag titiis.."
Nagbaba siya ng tingin at hindi na ng komento. Nasaktan siya sa sinabi nito, dahil para bang pinapahiwatig nito na mala emperno ang buhay nito sa piling niya. Maya maya pa ay napabuntong hinga siya at ngumiti ng plastic sa lalaki sabay sabing,
"Right, it's settle then."
"Let me confirm something.."-biglang turan nito.
"Ano yun?"-tanong niya.
Tumititig ito sa kanya , "Does making love with you is required?"
Natigilan siya dahil hindi niya inaasahan ang tanong na iyun, mula ng ikinasal sila never pa itong nangahas na makipag siping sa kanya kahit nga halik o hawak ay hindi nito ginawa. Oo mag asawa sila pero pag nasa harap lang ng mga magulang nila at ng ibang tao. Kumbaga, isa lang siyang display, isang kasungalingan lang ang lahat.
"I-lt's up to you.."-nauutal na tugon niya.
Tumayo ang lalaki at tumalikod sa gawi niya , tumuwid ito ng tayo sabay ayos sa damit nito.
"It's better if we will avoid such thing. beside i don't want to have a child with you. After all mag hihiwalay din naman tayo after 2 month."-sabi nito gamit ang malamig na boses.
Napatulala nalang siya, mamaya pa ay nag simula ng mag siunahan ang mga luhang kanina pa niya pinigilang lumabas.
*****
"ANONG katangahan ang pumasok sa isip mo't ginawa mo yun, ha??"-galit na galit na tanong ni Erin ng mag kita sila.
Habang napailing na lamang ang dalawa pa niyang kaibigan tila ba sumuko na sa kabaliwan niya.
"Tsk!! Malala kana talaga, Queen!!"-naiinis na sambit ni Julien sabay paikot ng mga mata.
"Ang sarap mong sabunutan!! Alam mo ba yun tsk!!" -nanggigil sa galit na singit ni Charm.
Nakinagulat nilang tatlo. Sa kanilang apat kasi ito ang hindi mahilig magalit o manakit at lalo na ang mang away but hearing her best friends say those things made her realize how much they love her.
"Wow ha! Sayo pa talaga ng galing , Charm , pero sang ayon ako jan ,bestie"-natatawang komento ni Erin at nag apir kay Charm.
"Oo nga, oyy ikaw babaeng martir pa sa martir , hanggang kailan mo balak pahirapan ang sarili mo?? Maawa ka naman sa sarili mo ,Queen"-nakapameywang na sermon ni Julien sa kanya.
Napayuko na lamang siya. Mayamaya pa inangat niya ang ulo at ngumiti para ipakitang ayos lang siya.
"Huwag kayong mag alala, pagkatapos ng dalawang buwan, papalayain kona siya pati na din ang sarili ko, ako namismo ang lalayo.."-katwiran niya.
"Ewan ko lang kung totoo yang katwiran mo , sa rupok mong yan"-naka taas kilay na angil ni Julien.
"Ako na talaga ang sasampal sayo, Queen pag di mo pa tinupad ang sinabi mo!!"-pag babanta ni Charm.
Nakinangiwi ng dalawa sabay bulong na,
"May pag kabaluyante din pala tong si Charm"
Tumango siya bilang sang ayon. Naiintindihan naman niya kung bakit ganon na lamang ang reaksiyun ng tatlo, nag alala lang ang mga ito sa kanya.
~To Be Continue~
Binibining mary ✍️
A/n: Eyyy yow it's time to Update this story of mine 😊. Namiss niyo ba ako???🥺🥺 kasi ako na miss ko kayo hihihhi, enjoy reading everyone 😘 keep safe and Godbless
BINABASA MO ANG
Bakit Labis Kitang Mahal {REVISING}
General FictionTahimik na minamasdan ni Queen ang asawang nakahiga sa kama na kung sana ay kama nila ngunit hindi. Dahil hindi sila normal na mag asawa gaya ng iba. Yes they married but just in piece of paper. Mas lalo lang siya nalungkot sa ideyang yun, lalo pa n...