Chapter 20: Bakit Labis Kitang Mahal

576 15 0
                                    

Lumipas na ang isang buwan ,so far nag iimprove nadin naman ang pakikitungo ni King Lex sa kanya. Kinakausap na siya nito, hindi na din ito nanlalamig at lalong di na ito nag rereklamo pag pinag sisilbihan niya ito. Mag katabi na silang natutulog at sa nakalipas na isang buwan na iyun , never pa may nang yari sa kanila, kahit pa minsan pasimple na niya itong inaakit pero , no epek kung hindi pagod ang lalaki at mabilis na nakakatulog mag kukulong ito sa study room saka nalang babalik pag tulog na siya. Mukhang pinapanindigan nito ang sinabing , "Huwag na siyang umasang mamahalin siya nito."

"Bakit kasi ikaw pa napili ko? Madami namang iba riyan, nakayang ibigay yung gusto ko at pangangailagan ko without hurting me , hindi ko kailagan mag makaawa pero wala ih, ikaw lang talaga ang gusto nito."-hinanakit na tanong niya sa hangin habang lumuluha.

Nakahiga siya sa kama nila. Oo gabi na ng mga oras na iyun at katabi niya ang Lalaking na tila ba isang tood. Hindi makagalaw lagi itong nasa kabilang banda nakataga tagilid habang siya pinapanood ito at lihim na hinihiling na yakapin siya man lang. Gusto niya rin maramamdaman ang mainit nayakap ng lalaking mahal niya. Hindi niya naman pweding utusan itong gawin ang gusto niya, ayaw niyang pinipilit ito. Suminghot siya at pinahiran ang luhang kumawala sa mga mata niya. Araw araw namimiss niya ito lalo na lang ng iisa na lang siya sa bahay habang ito ay nasa opisina kaya nga tuwing umaga sinisikap niyang magising ng maaga para ipag handa ito ng agahan at pang tanghalian para doon man lang maibuhos niya lahat ng pag mamahal, pagkasabik niya sa lalaki at doon lang din niya nahahalikan ito kahit sa pisngi lang. Masaya na siya sa set up nilang yun kahit minsan pagod na pagod na siya sa gawaing bahay dagdag mo pa ang pag iyak niya tuwing gabi at late na siya nakakatulog pero ayus lang titiisin niya. Oo siya na ang ulirang asawang hindi man lang pinag tutuunan ng pansin ng asawa niya. Hindi niya alam pero nakita niya na lang ang sariling niyayakap na ang lalaki mula sa likuran, binaon niya ang ulo sa likod nito. Hinintay niyang baklasin nito ang pag kayapos niya pero hindi nangyari kaya hinigpitan niya pa ang pag yakap rito saka mahinang sabinabing,

"Kung gising ka pa… Pwede bang huwag mong alisin… Saka nalang pag tulog naku … Pwede ba ,Lex? Kahit ngayong gabi lang.."

Nakahinga siya ng maluwag ng hindi nito inalis ang pagkayap niya rito, pero hindi ito sumagot.

Meanwhile, hindi nakagalaw si King Lex ng mga sandaling niyakap siya ng babae sa kauna-unahang pagkakataon niyakap siya nito. Ito rin ang unang beses na humiling ito , sa nakalipas na isang buwan hindi ligid sa kanya ang pag hihirap ng babae pati na ang pag iyak nito sa gabi at tinatago nito sa mga ngiti nito sa umaga tuwing binabati siya nito ng "Goodmorning" at nag hahanda ito ng pagkain na sabay nilang pinag sasaluhan. Pinag sisilbihan rin siya nito , wala itong reklamo kahit minsan sinusungitan niya lang ito. Alam niya din minsan pinipilit nalang nito bumangon ng maaga para makaluto, dahil siguro madaming gawain sa bahay at wala pa naman silang katulong. Kahit ganon wala siyang narinig na reklamo mula rito o nag sumbong ito sa ina niya o sa ina nito. Sinasadya niya pahirapan ang babae para mag kusa itong sumuko at ibigay sa kanya ang kalayaan hinihingi niya pero habang tumatagal napag tanto niyang mukhang seryoso talaga ang babae sa nararamdaman nito sa kanya. Aminin man niya o hindi , unti-unti  nang nabubuwag ang pader na pumapagitna sa kanilang dalawa. Pilit niya iniiwasan ang babae lalo na sa gabing , ayaw niyang may mang yari sa kanila ,nirerespito niya si Lyka at si Queen. He really feel he doesn't deserve her. Napatihaya siya ng maramdamang malalim na ang pag hinga ng babae. Nakayakap ang kamay nito sa kanya , napatingin siya sa pisngi nito ,medyo basa marahil luha iyun. Di niya mapigilang ang sariling hawiin ang buhok nito nakalagay sa mukha saka maingat na pinunasan ang luha nito.

"Hanggang kailan mo balak mag tiis? You don't deserve a man like me , Queen… Bat di mo nalang ako palayain especially ang sarili mo.. pareho lang tayong mahihirapan----"

Naputol ang sinasabi niya ng gumalaw ang babae at sumiksik pa sa kanya.

"Lex.. Mahal kita.."-usal nito 

Natigilan at napatitig sa babae, hindi niya mapigilang ang sariling yakapin ito and he kiss her forehead saka bumulong sa tenga ng babae na di niya inaasahang mag mumula sa kanya.

"Starting tomorrow , I will try my best to fullfil your last request ,Queen, sana pag katapos nating mag kahiwalay makahanap ka ng lalaking mamahalin ka tulad ng pag mamahal mo o higit pa hindi tulad ko.."

~To Be Continue~
Binibining mary ✍️

A/n: Heto isa pa ,ayaw ko mabitin kayo ih hehehehe mwuahhhh💗😘 oyyy follow niyo naman ako sa dreame po🥺 pag meron kayong account don ,free lang po yung story ko dun kaya don't worry😊💗✨

Bakit Labis Kitang Mahal {REVISING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon