2 - Gum

1.3K 45 8
                                    

Hiro

"Hoy, Hito!" I glared at Jessica. She smirked and cleared her throat. "Este Hiro. Bilhan mo nga ako ng tubig."

"Ano ka chicks? Ikaw na." Saka ko binaling ang paningin ko sa ginagawa kong doodle.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Jessica at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya. Tinulak ko siya palayo at laking gulat ko na lang nang bumagsak siya sa kinauupuan niya.

Rinig ko ang patawa ng mga kaklase namin at hindi ko din naiwasang tumawa.

"Hayop pa Hiro!" Sinuntok ako ni Jessica.

Tumawa pa rin ako. "Aba, malay ko bang lampa ka?!"

Kinuwelyuhan niya ako kaya napataas na lang ako ng dalawang kamay. "Woah. Easy there, woman." Akmang susuntukin na niya ako sa mukha nang magsalita ang taong nasa likod niya at nagpatigil sa kaniya.

"Jessica Ignacio.." may pagbabanta sa boses nito. Sinamaan muna ako ng tingin ni Jessica at ngingisi ngisi lang ako at saka niya ako binitawan.

Tumingin naman sa akin si Niccos. "Gawin mo na lang inutos ni Jessica. May ginagawa din ang tao oh." Saka niya pinakita ang mga invitation para sa batch night ng mga freshmen. Napairap ako. "Sasamahan na lang kita."

"Opo 'Tay." Sabi ko na lang at naunang maglakad.

Tsk. Punong puno ng disciplina si Tatay Niccos eh. Nakow!

Habang naglalakad kami ay hindi maiiwasan na may mapatingin sa amin. Sa gwapo ko ba naman na ito.

"Hindi lang ikaw ang tinitignan. Baka nga ako halos lahat ang tinitignan nila eh."

Lumingon ako kay Niccos na nakangisi. May tinatago ding kayabangan ang isang eto eh.

Nang makarating kami sa cafeteria ay kumpulan sa isang mesa ang naabutan namin. May nakita akong lalaki na nakataas ang dalawang kamay.

"Ayaw ko sa lahat yung na-iistorbo ako sa pagtulog, maliwanag?!"

Dumako ang paningin ko sa babaeng sumigaw. Kinuwleyuhan niya yung lalaki. "T-teka lang, m---"

"Sa susunod na banggain mo ako, ihanda mo na ang sarili mo!" Inis na sabi nito sa binata.

"Sis, wag mo na lang intindihin iyan." May lumapit sa kaniyang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya.

"Pasalamat ka, nakakapag-kontrol pa ako sa lagay ko na ito." Binitawan naman niya yung kwelyo ng lalaki. Ang akala kong tapos na ito sa lalaki pero laking gulat namin nang suntukin niya ng pagkalakas lakas sa mukha ang lalaki! Natumba naman ito.

Brutal itong babae na ito ah.

"Yah!"

Tumingin lahat sa gawi namin ang mga estudyante nang sumigaw si Niccos. Lumapit ito sa kumpulan at sumunod lang ako.

"O? Ano namang pinaglalaban mo diyan?" Inis na sabi ng babae na nanuntok dun sa lalaki kay Ethan. Dumako ang tingin niya sa akin at tinaasan ako ng kilay nang ngitian ko siya.

Ang ganda niya..

"And who the heck are you to do this?" Niccos blurted out. "Didn't you know that this is a violation?" Tinignan niya ang suot nung babae. "And you're not even wearing your uniform."

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon