37 - Road

412 16 0
                                    

Cassy

"Ate! Sasakay pa ba kayo?"

Hindi ako nakapagsalita. Hanggang sa umiling lang ang condoktor at umalis ang bus sa harap ko.

Napalunok ako at unti-unting lumingon palikod. Nakita ko si Niccolo na nakatakip sa bibig at kung saan saan tumitingin.

"W-what?" Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa tanong na iyon dahil inulit nanaman ni Niccolo ang sinabi niya kanina.

"I love you," he said confidently. Napanganga ako ilang saglit pa lang at naglakad palayo sa kaniya. "W-wait! Iya!"

I did not turned at him. Namumula na ako ng sobra at nanginginig. What was that?! Didn't he remember that I must not like him as he said? Eh ano ngayon itong sinasabi niya?!

Napantayan na niya ako at agad na hinablot ang mga braso ko. "What?!" Pagtataray ko.

"I love you!" He said. Napaiwas ako ng tingin. "I mean it. I really do," He continued.

"What the heck?! Sabi mo diba dapat hindi kita magustuhan?! E ano itong pinapalabas mo ngayon?" I said, frustated.

He stared at my eyes. "I love you," ulit nanaman niya at gusto ko na talaga siyang sapakin. "You won't believe me?" He asked.

Inirapan ko na lang siya at umakyat sa tresspassers bridge na nasa harapan ko ngayon. Hinayaan ko na lang siya at hindi ko alam kung sumusunod ba siya sa akin o hindi.

Nang nasa taas na ako ng tulay ay nakarinig ako ng mga busina mula sa baba. Tumingin ako doon at laking gulat nang bigla-bigla na lang tumawid ng wlaang pahintulot si Niccolo.

Agad agad na bumaba ako at sinalubong siya. "ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO?!" Sigaw ko.

He just stared at me. "You still won't believe me?" He asked.

Naramdaman kong nag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng loob ko. Ngumiti siya sa akin at doon na ako nainis.

Sa pangalawang pagkakataon, inapakan ko siya sa paa niya. "Aray!" Daing niya.

"You always do what you want. I hate you!" I shouted at him and turned my back.

Pagkatalikod ko ay napangiti agad ako. Iba pala ang pakiramdam na mahalin ka din ng taong mahal mo.

Mula sa likod ko ay sumigaw din siya. "I LOVE YOU TOO!"

"CHE!" Pagkukunwari ko. Napangiti na lamang ako at agad na pumara ng taxi pauwi.

Doon na ako sa loob ng taxi nagsisisigaw. Tinanong ako nung driver kung okay lang daw ba ako pero tumango lang ako at sinabi na wala lang ito.

Sumilip ako sa likod ng taxi at nakita siya na nakangiting kumakaway. Ngumiti din ako at kumaway kahit na alam kong hindi niya ako kita sa lagay ko.

----

Niccolo

I waved at her back. Pakiramdam ko wala na ang mabigat na nakapatong sa ulo ko. Nasabi ko na ang totoo.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa direksyon na dinaanan niya kanina. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at mabilis nanaman ang tibok ng puso ko. Napangiti ako at umiling iling.

Pumara ako ng taxi para umuwi na din. Pasakay na sana ako sa loob nito nang may mahagilap akong taong nakatayo sa katapat ko na nasa kabilang gilid ng kalsada. Nakasuot ng sumbrero at nakajacket ng itim.

"Kuya? Sasakay pa po ba kayo?" Tanong ni Manong. Lumingon ako saglit sa kaniya bago ulit tinignan ang pigura ng babae pero wala na ito.

Sumakay na lamang ako sa taxi na nakakunot ang noo. May iba akong nararamdaman.

Pagkadating ko sa mansion ay agad na dumiretso ako sa office ng tatay ko. Naabutan ko siyang nagvi-video game at nakaupo sa sahig. I joined him.

"Where are you from?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa screen.

"I just confessed." Sagot ko. Agad na pinause niya ang laro at tumingin sa akin na nakangisi.

"Eh?" Tanong niya pa. Irita akong tumango sa kaniya. "Good for you, don't let her go. Ako ang unang susuntok sayo kapag nagkataon." Biro pa niya.

Umiling ako na ipinagtaka niya. "Parang may mali e."

Kumunot noo niya. "What? Mali na umamin ka?"

"Hindi. Hindi iyon." Iling ko pa. "Para kasing may humahadlang. I mean, when I become happy, someone interrupts it and ruined it. And I just don't get it."

He sighed and turned the video game off. "Your trip has started." He said seriously. "Habang nasa daan ka, may madadaanan kang lubak na daan at diretso. Sa daan na iyon, maghanda ka kung may madaanan kang lubak at mahulog sa bangin." He stated. "You should be alert for what will happen day by day."

I nodded. I know what he was saying.

****

A/N:

Sorry for the short update. I hope you still like it!

-NoLoveJustLife-

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon