13 - Allergy

557 24 3
                                    

Cassy

"What the hell is he doing here?!"

Sigaw ko nang makita si Savino sa terrace kasama sina Jessica at Hiro.

Agad na lumapit si Dom sa akin at pinakalma ako. Sinamaan ko lalo ng tingin si Savino nang lumingon sa akin. "Cassy, chill okay? Nakita ko kasi kanina s-sila sa..." tumingin siya sa likod niya kung saan andun sina Savino. "S-sa mall! Oo sa mall! T-tapos niyaya ko sila sa bahay para kasama sila sa celebration natin ngayon for your success works! Y-yehey!" Awkward na itinaas niya ang magkabilang kamay niya. Tinignan ko siya at sinuri.

Bago pa ulit makapagsalita si Dom ay naglakad na ako tungo kay Carlo na nasa terrace din. Inaayos ang mga pagkain na nasa hapag.

Kanina ay napagisipan naming maghanda ng kaunti para sa matagumpay na misyon ko. Wala lang trip lang.

Ang hindi ko alam ay nag-imbita pala ang bruha ng bwisita. Okay lang sana kung sina Jessica at Aki lang pero si Savino? Na sobrang honest na tipong makakasakit na.

Tumikhim si Savino. "I-if I'm not welcome here then better if I'll go ahea---"

"Wag na. Nandito ka na din naman e. Wala na din naman akong magagawa." Sabat ko ng akmang tatayo siya mula sa kinauupuan niya.

Napatingin naman ako kina Aki at Jessica na tahimik lang. Nakakapanibago dahil unang pagkakakilala ko sa kanila ay maingay sila.

"Jessica, Aki, kain na kayo." Aya ko sa kanila. Napatingin sa akin ang dalawa at ngumiti si Jessica sa akin. Si Aki naman, blanko ang tingin sa akin.

Napabuntong hininga ako. Alam ko naman kung bakit siya ganyan e.

Nagsimula na din kaming kumain. Nagkukwentuhan naman sina Dom. Si Carlo naman ay kinulit na ako ng kinulit na tikman ko lahat ng pagkain na niluto ko.

"Hindi na. Ikaw na lang." Iling ko.

"Ayaw mo nito? Diba paborito mo ang hipon?" Sabi nito sa akin.

Nang sabihin iyon ni Carlo ay isang malakas na bagsak ng kutsara ang narinig ko. Napatingin ako kung sino iyon. Si Savino na ngayon ay nakatingin lang sa pagkain niya.

"Niccos? Ayos ka lang?" Tanong sa kaniya ni Jessica.

Umayos si Niccos at ngumiti. "A-ano.. ayos lang." Tumikhim ito at tumayo. "L-labas lang ako saglit."

Lumabas siya ng bahay at naiwan kami. Nagtataka kong tinignan si Jessica pero nagkibit balikat lamang siya.

"Kuha lang ako ng ulam," akmang aabutin na ni Dom ang lalagyanan ng ulam pero inunahan ko na siya.

"Ako na." Dali-dali akong pumunta sa kusina at iniwan ang mangkok doon sa lababo. Napatingin ako sa pintuan sa likod. Lumabas ako ng bahay gamit iyon at sinundan si Savino.

Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan pero may nagtutulak sa akin na gawin ito.

Naabutan ko siya sa may tulay at doon ay nakayuko. Mas kinabahan ako nang makita ng malinaw ang kalagayan niya. Nakahawak siya sa dibdib niya at pulang-pula. Hirap na hirap siyang makahinga.

Sa taranta ko ay nilapitan ko siya. Tinapik sa pisngi at tinanong. "A-ayos ka lang? M-may masakit ba sayo? Bakit ka ganyan?" Dire-diretso kong tanong.

"A-a-aller-gy.." hirap na sagot niya. At mas nahirapang huminga.

Pinaupo ko siya sa sandalan ng tulay. Hindi ko alam kung makakatulong sa kaniya ang gagawin ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

----*

Jessica

Sinundan ko si Cassy. Dumaan siya sa pintuan sa likod ng bahay nila at napansin na papunta siya sa may tulay. Sa di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na pigura ng tao.

Mas lumapit ako sa pigurang iyon at nakita si Niccos na nahihirapang huminga.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

"Ayaw mo nito? Diba paborito mo ang hipon?"

Maya maya pa ay napansin kong natigilan si Niccos. Tinanong ko siya kung ayos lang at sinabi naman niyang oo pero umalis siya ng bahay. Ano kayang problema nun?

Tinignan ko si Cassy na ngayon ay tinatanong na si Niccos kung ano ang lagay niya.

Then something pops out of my mind.

Allergic si Niccos sa hipon.

Ang tanga mo naman Jessica para hindi maalala!

Napatingin ako sa dalawa na ngayon ay nakaupo ng magkatapatan. Nagulat ako nang ilapit ni Cassy ang mukha niya kay Niccos. At mas ikinagulat ko ang bigla niyang paghalik kay Niccos.

Napatakip ako ng bibig. H-how dare her kiss Niccos?

Sa hindi malamang dahilan ay tumakbo na ako palayo sa kanila. Buong buhay ko, nakasama ko si Niccos. At habang kasama ko siya, wala akong ibang ginawa kundi mahalin siya ng patago.

Leche! Ang sakit.

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon