43 - Missed

378 12 0
                                    

Cattleya

From: Boo

Good morning, Moo. Susunduin kita sa bahay niyo ng 9. See you. I love you, Moo.

Iyan ang una niyang text ngayong araw na ito na nagpamulat ng husto sa mga mata ko. Hindi ko na napigilang mapatili.

My boo is sweet. Kinikilig ako!

Nakarinig ako bigla ng labag ng pintuan sa kwarto ko. "What happened?!" Napalingon ako sa mga sumigaw at nakita sina Mom at Carlo na halatang nagulantang at bagong mulat pa lang.

"Ha?"

"You were shouting, what happened?!" Carlo freaked out. Mom went near me and checked my forehead.

"Wala namang sakit," mom mumbled. Ang kaniyang blind fold na ginagamit kapag natutulog ay nasa itaas na ng kaniyang ulo.

Hinawi ko ang kamay niya na nasa leeg ko na. "Sinasabi niyo?" Tanong ko.

Carlo went in to my room and stood beside Mom. "Sumigaw ka lang naman ng pagkakalakas na nagpagising sa amin. Yung totoo, anong nangyari?" Carlo said.

Napatingin ako sa kanilang dalawa at saka sumigaw ulit. Tinakpan ni Carlo ang magkabilang tainga niya at si Mom naman ay napapakunot na lamang ang noo.

Then later on, Carlo smirked while looking down. Napakunot naman noo ko. "Mom, look down." Bago ko pa marealize ang sinabi niya ay ginawa na ni Mom ang sinabi ni Carlo at nabasa ang hindi dapat mabasa ng iba.

"Mom!" Agaw ko sa cellphone ko.

"Carlo, catch!" Mom threw my phone to Carlo.

Sinundan ko iyon at bumaba sa kama ko. Masaklap mang isipin mas matangkad sa akin ang nakababata kong kapatid.

"Good Morning, Moo--" nanlaki mata ko. Carlo was reading it aloud!

"Akin na kasi yan!" Talon ko para maabot siya. Matangkad na nga siya, tinaas pa niya ang kamay niya para hindi ko lalong maabot.

I heard Mom laughed. "Susunduin kita sa bahay niyo ng 9!" Carlo shouted the last number. I stopped jumping. He looked at me with his forehead creased. "May date kayo? Bakit monthsary niyo ba? Saan naman kayo pupunta? Kailan? Anong oras?" Dire-diretso niyang tanong sa akin na nagpalakas pa lalo ng tawa ng nanay namin.

I showed him my pokered face. "Seryoso? Diba binasa mo? Anong klaseng mga tanong yan?"

Napakamot siya sa batok niya. Lumapit sa amin si Mom at tinapik ang balikat ni Carlo. "Hayaan mo na, Carl. Minsan lang magka-boyfriend ang Ate mo kaya pagbigyan mo na." Kindat sa akin ni Mom. I smirked at Carlo after he handed me my phone.

Carlo held my gaze. "Tandaan mo Ate, kapag ginago ka ng taong iyon, makikita niya ang pluto." Sabi niya. Pinigilan kong tumawa pero hindi ako nagtagumpay. "I'm serious." Natigilan lang ako dahil nag-english na ang lolo niyo.

Mom interrupted us. "Tama na yan." Sabi niya. "Malaki ang tiwala ko kay Niccolo. Basta magtira ka ng para sa sarili mo, anak ha?" She kissed my forehead and patted my head. "I'm expecting that he'll do what he said to me." Mom said. Napatingin ako sa kaniya ng nakakunot ang noo. "Secret," she winked and went out of my room with Carlo.

Bago magsarado ang pinto ng kwarto ko ay nakita ko si Carlo na ginamit ang pointer at middle finger niya at itinapat sa mata niya bago sa akin. I just smirked at him and stucked my tongue out of him.

When my door was finally closed, hindi ko na napigilang mapangiti. Masarap pala sa pakiramdam ang ganito kasayang pamilya.

Napatingin ako sa orasan at nakita na Alas siete y media na pala kaya naligo na ako.

Matapos maligo ay naghanap ako ng mga damit ko sa walk in closet ko at kinuha ang isang simpleng bestida. Kulay blue ito at may mga flits ang palda kaya kapag umupo ako ay hindi masikip.

I wore it and put a light make up. Maya maya pa habang naglalagay ng eyeliner ay natigilan ako. I looked at my eyeliner. Ngayon lang ako nag-make up para lang sa isang tao.

Sa huli, naghilamos ulit ako at tinanggal ang kolorete sa mukha ko at nagpulbos na lang. Mas komportable ako sa simpleng ayos.

I looked at myself in front of my vanity mirror and smiled. This is my first time having a date. Masaya ako na siya ang una ko.

Bumuntong hininga ako at sumulyap sa wallclock ko. Nanlaki na lamang mga mata ko nang makita na saktong nine na pala. Dali-dali akong pumunta sa balcony ng kwarto ko at binuksan ang pintuan at sumilip pababa. And there! Nakita ko ang kotse niyang paparada pa lang sa harap ng bahay namin.

Nakita kong bumaba siya ng kotse niya at saka tumingin pataas. He's wearing a shades and eff! He's hot.

He waved his hands and smiled at me. Nanlaki mga mata ko at saka agad na pumasok ng kwarto ko para kuhanin ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto ko at bumaba sa hagdanan.

"Mom! Carlo! Una na ako!" Sigaw ko sa buong bahay. Rinig na nila ako. Nung sumigaw nga ako sa kwarto ko, narinig nila e. -,-

I heard Mom said Yes and Take care while Carlo shouted Whatever. Tss. Bitter.

Nang nasa tapat na ako ng pituan ay huminga muna ako ng malalim bago buksan ito. Mula sa harap ng gate ay nakita ko siyang sumandal sa gilid ng kotse niyang itim. Binuksan ko ang gate at lumabas mula roon.

Tumigil muna ako at medyo malayo ang distansya namin. Siguro nasa mga dalawang ruler.

I looked at him. Nasa bulsa ng pantalon niya ang kaniyang magkabilaang kamay. Nakasuot  siya ng blue na long sleeves na tiniklop hanggang siko at white pants. Halos mamula ako dahil sa pagiging camouflage namin. Nakasuot lang naman kasi ako ng blue na dress na kakulay ng kaniya at puting heels na kakulay ng pantalon niya. Yung totoo, pinagplanuhan?

Humakbang ako ng tatlo at hindi pa ako tuluyang nakakalapit ay hinila na niya ako mula sa bewang ko at niyakap. Naamoy ko nanaman ang pabango niya at napapikit.

"I missed you." He mumbled and kissed the top of my head. He hugged me tighter. I hugged him back. I looked up at him and smiled. He smiled back and kissed my forehead.

I missed him too.

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon