35 - New Mannerism

521 20 0
                                    

Niccolo

I remembered again the incident after six years..

"Bata! Bata gising!" Dinig ko sabi ng tao na nasa tabi ko.

Hindi ako makahinga at sobrang sakit ng ulo ko. Ramdam ko ang mainit na likido sa noo ko at kahit anong salita, wala akong masabi. Nanghihina ako.

Hanggang sa makarinig ako ng tunog ng sirena. Maingay. Nakakarinig ako ng mga sumisigaw para humingi ng tulong.

"Sir, may natagpuan din pong bangkay sa may gubatan." Dinig kong sabi ng isang lalaki.

Hindi na ako makahinga at huling narinig ko lang ang sigaw ng Dad.

Nagising na lamang ako nang makarinig ako ng tunog ng isang makina. Unti-unti kong minulat mga mata ko at una kong nakita ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mukha ngtatay ko na may pag-aalala.

"E-ethan!" Dad smiled. "Thank God you're awake." He said as if it was a relief for him.

Ngumiti lang ako dahil hindi ako gaanong makapagsalita dahil sa tubo na nasa bunganga ko.

"Niccos!" Sabay na tawag sa akin nina Jessica at Hiro nang bumukas ang pinto. Lumingon lang ako sa kanila at kita ko ang pag-aalala nila sa akin. "Kamusta ka na?" Sabay nanaman na sabi nila. Nagsamaan lang sila ng tingin at doon ay inawat na nina Tita Alexis na Doctor ko.

"Ethan? How are you feeling?" Tita Alexis asked.

I just smiled at her. She nodded and went out to my room.

Nagpalinga linga ako at napakunot ang noo nang hindi ko makita ang taong inaasahan ko. Lumingon ako kay Dad na may pagtataka na sa mukha. "What's up son? You need anything? Are you hungry?"

I shook my head at him. Pinakiramdaman ko ang necklace ko at inilabas iyon para ipakita sa kaniya. Kumunot ang.noo niya at matapos ay bumuntong hininga.

"Iya can't be here." He said.

"B-but--" hirap kong sabi at ramdam ko ang pagguhit sa lalamunan dahil sa hindi pagsasalita ng matagal.

Umiling lamang siya sa akin. "She can't." He said. Nanlumo ako. "Magpahinga ka muna, Ethan, kung gusto mong maaga makalabas ng ospital at makita si Iya." He said and patted my head.

Lumipas ang isang linggo kong pagkaka-confine sa ospital ay nakalabas agad ako. Pagkarating namin sa bahay namin ay nagpaalam agad ako kay Dad na pupunta ako sa playground kung saan madalas kaming magkita ni Iya. He told me that I better get a rest but I insist myself to him so he finally agreed.

Nakarating ako sa playground na may kaunting mga bata na naglalaro. Hindi ko siya mahagilap sa mga bata na nakangiti at naglalaro.

"Maaga lang siguro dating ko." Pangungumbinsi ko sa sarili ko at mag-isang umupo sa swing.

Hanggang sa dumating ang oras na unti-unti ng umuuwi ang mga bata at ako na lang ang natira. Tumingin ako sa langit na madilim at wala ni isang bituin.

I stood up looking down and went home by myself.

She did not come.

----

"Attention, class." Prof interlude. "Bad news, Ms. Marianna Dela Cruz is officially dropped in the university because of some personal reasons."

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon