Matapos ng gabing nagkita sina Ashton at Niccolo ay nagising na din sa wakas si Cattleya kinabukasan. Pero ang nakakapag-alala ay naging tahimik na ito at ni isang ngiti man lang ay hindi niya magawa.
"May gusto ka bang kainin, Ate?" Tanong sa kaniya ni Carlo na kasalukuyang nagbabantay sa kaniya. Paparating pa lamang si Sylvia dahil nanggaling ito sa meeting ng unibersidad na pinag-aaralan ni Cattleya kaya nauna na si Carlo.
Nanatiling nakaupo lang sa kama nito si Cattleya at tila wala sa isip. Nakatulala at tahimik pa rin.
Lumapit sa kaniya si Carlo at umupo sa tabi ng dalaga kaya naman napatingin sa kaniya ang dalaga ng may blankong ekspresyon. Hinawakan ni Carlo ang kamay ng kaniyang kapatid at ngumiti ng pilit.
"Kahapon ka pang ganiyan ah." He said. Nakatitig lang sa kaniya si Cattleya kaya napabuntong hininga na lamang si Carlo. "Dito ka muna. Wag kang lalabas at bibili lang ako ng pagkain." He said and kissed her sister's forehead before he went off.
Pagka-alis ni Carlo ay siya namang pagkatahimik niya pa rin. Hindi pa rin maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya pero ayon sa sinabi ng doctor kinaumagahan noong nagising siya ay dulot ito ng isang trauma dahil sa masamang nangyari sa kaniya. Naniniwala ang iba na iyon ang dahilan ng pagiging tahimik niya pero para sa mga nakakaintindi sa damdamin niya, hindi lang iyon kung meron pang iba.
Hindi nagtagal ay biglang may kumatok sa kwarto ng dalaga kaya naman napalingon siya dito at halos mangiyak-ngiyak na lamang nang maaninag ang mukha ng taong gustong-gusto niyang makita noon pa.
Nang makalapit ito sa direksyon ng dalaga ay agad na niyakap niya ang binata sa bewang nito at humagulgol na ng iyak. "Boo, alam mo bang miss na miss na kita? Bakit hindi mo man lang ako dinadalaw dito? Naging busy ka ba? Hindi mo ba nalaman? Wala bang nagsabi sayo na nandito ako?" Sunod-sunod na tanong nito sa binata.
Pero imbes na makarinig siya ng pag-aalala sa boses ng binata ay natigilan pa ito nang pilit na inaalis ni Niccolo ang mga braso na nakayakap sa kaniya. Natahimik ito mula sa pag-iyak at natulala. Bakit?
Nagtagumpay si Niccolo sa pag-aalis ng mga braso ni Cattleya sa kaniyang bewang at laking gulat na lamang ni Cattleya nang makita ang isang malamig at walang ekspresyong mukha ni Niccolo na wala man lang bahid ng pag-aalala o ng kung anumang emosyon. Nakatitig lamang ito sa mata ng dalaga at halos mawalan na ng hininga si Cattleya nang marinig niya ang sinabi ng binata na nagpadurog lalo sa puso niya.
"I'm not here to tell you that I missed you. I'm here to break up with you."
Napako sa kinauupuan si Cattleya at tila tumigil ang hininga. Ramdam niya din ang pagsikip ng dibdib nito at pagbigat ng hinga niya. Hindi. Mali ang dinig ko diba?
Pumeke ito ng tawa. "T-teka lang Boo. Wala namang biruan na ganyan. Pero seryoso, namiss talaga kita." Labag sa loob na sambit nito.
"I'm serious too. I came here to tell you that I don't love you anymore so that we can end our relationship." Walang pasubaling sambit ni Niccolo sa dalaga na nagpaiyak na talaga dito.
Sobra sobra na ang mga sakit na dinulot nito sa kaniya pero kahit ganun, ni minsan ayaw niyang mawala ito sa kaniya.
Nakatayo lamang si Niccolo sa tabi ng dalaga at umiiyak lang si Cattleya sa harap niya. Tinakpan ni Cattleya ang mukha niya sandali saka dito huminga ng malalim. Matapos ay tumawa ito ng malakas.
"Ganun ba, Niccolo?" Ngisi nito sa binata. "Hindi mo na ako mahal? Pagod ka na? May iba ka na? Nagsawa ka na?" Tawa nito habang patuloy na umiiyak. "Eh h-hayop ka pala e! Hindi naman ako na-inform na may expiration date pala ang pagmamahal mo! So ganito na lang?! Kapag nagkaumayan na makikipaghiwalay na agad?! Nakakagago!"
BINABASA MO ANG
Rainbow After The Rain (Book 1)
RomanceUNEDITED VERSION. Maraming errors sa grammar, spelling at construction ng sentences. "All I need is the person who will show me good things. All I need is to be free. I want to get out of this cage of loneliness. All I need is my RAINBOW after I cri...