44 - His Love, My Love

460 16 0
                                    

Cattleya

"Ang sweet naman,"

Someone said from behind with sarcasm. Napahiwalay na lamang agad ako kay Niccolo at sinamaan ng tingin ang magaling kong kapatid na naka-cross arms at nakasandal sa gate.

"Ingatan mo yan. Ikaw masasapak ko kapag nadapuan yan ng langgam." Seryosong sambit niya kay Boo. Napalingon ako sa kaniya na seryosong tumango kay Carlo. Ang gwapo niya kahit sa side view.

"Carl naman, pumasok ka na nga at baka hindi makaalis mga yan dahil sayo." Mom entered the picture. She smiled at Boo and he kissed my Mom in her cheek. Namula na lamang ako dahil mukhang okay si Mom kay Niccolo.

"Una na po kami, Tita." Boo smiled. Napairap na lamang si Carlo at pumasok ng bahay. Tumango naman si Mom at sumunod kay Carlo paloob.

Nakahinga ako ng maluwag. Niccolo turned to me and smiled. "Let's go?"

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Pinagbuksan niya ako sa shot gun seat at mabilis naman na umikot siya papunta sa driver's seat. Sinimulan na niya ang makina at nagmaneho papunta sa pupuntahan.

Naging tahimik sa biyahe kaya naman hindi ko maiwasang makatulog.

Maya-maya pa ay naalipungatan ako dahil sa malambot na bagay na dumampi sa bibig ko. Amoy mint din. Huh?

Napamulat ako at nanlaki ang mata dahil sa lapit ng mukha ni Boo sa akin. Bumangon ako bigla at dahil doon ay nagkauntugan kami.

"Aww," sabay na daing namin.

Nagkatinginan kami at napaiwas agad ng tingin. Inayos ko ang pagkakaupo ko. "A-anong ginawa mo?" Tanong ko sa kaniya. Napakagat na lamang ako sa labi ko. Nasaktan kaya ang noo ni Boo? Hala naman!

Lumingon ako sa kaniya na ngayon ay namumula na ang tainga. "Hinalikankitakasiayawmongmagising." Mabilisan niyang sabi at itinakip ang likod ng palad niya sa tapat ng bibig niya.

Napakunot noo ko. "Ano?"

Inalis niya ang kamay niya at bumuntong hininga siya. Napahawak siya sa batok niya at nahihiyang sumilip sa akin at umiwas din agad. "Ano, hinalikan kita kasi ayaw mong magising." Sabi niya. Napangiti ako dahil mukha siyang batang nagsusumbong ng kasalanan niya. Cute.

Nang madako ang tingin ko sa noo niya ay nakita ko itong namumula. Halatang-halata ito dahil sa kaputian niya. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang noo niya. "Hala! Sorry, boo. Nasaktan ata noo mo dahil sa pagkauntog," I said.

He smiled and said. "Okay lang ako, Moo. Hindi naman gaano masaki--"

He stopped when I kissed his forehead. Pagkatapos ay tinignan ko siya at nakita na napaawang ang bibig niya. I smiled at him and sat properly.

Lumingon siya sa akin at hindi makapaniwalang tumingin. "That was the first time," he said. I looked at him. "Bukod kay Mom, ikaw pa lang ang nakakagawa nun sakin," sabi niya at ngumiti. Mabilis na ninakawan niya ako ng halik sa pisngi at nauna na siyang lumabas sa kotse niya. Hindi na niya ako binigyan ng oras para mag-blush dahil pinagbuksan na din niya ako ng pinto at lumabas.

Pumunta siya ng likod ng kotse niya at may kinuha. Tumingin naman ako sa buong paligid at napangiti nang makita ang parehong park kung saan ako nag-confess sa kaniya na ni-reject niya. -,-

"Moo," tawag niya. Lumingon ako sa kaniya at sa bitbit niyang basket. Ngumiti siya at naglakad  na sinabayan ko naman.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng pananakit sa paa. Hindi naman kasi ako sanay mag-heels. Nag-heels lang ako para hindi naman ako ganun kaliit sa height ng katabi ko. -,-

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon