Cassy
Dom settled a pajama party and I freaking hate her for inviting Niccolo.
Kahit na hindi niya nabasa ang message, still, nahihiya pa rin ako sa kaniya. Sino ba naman kasi ang matinong tao na basta na lang magbabaon ng cellphone sa lupa? Sige nga ipaliwanag niyo nga. Sa malamang naman na mawe-weird-uhan ang tao sayo e.
"Bakit inimbita mo pa?" Tanong ko kay Dom habang pabalik balik na naglalakad sa harap niya.
"Teka, nga. Hilong hilo na ako sayo e." Sabi niya. "Bakit ba kasi ayaw mo?"
Magsasalita na sana ako nang may biglang sunod sunod na katok ang nangistorbo. Nagmamadaling binuksan iyon ni Dom at sumalubong sa pintuan sina Hiro, Jessica, Dale (kaibigan slash crush niya sa department nila), at siyempre, si ano. Basta. Kilala niyo na.
"Let's party!" Jessica and Hiro shouted with party poppers. Napasapok na lang ako ng noo at pumasok sa kusina.
Malaki laki naman ng konti ang apartment kaya kasya naman kami.
Nagsipuntahan naman sina Jessica at Dom sa kusina habang ang tatlong lalaki ay nasa sala. Nabigla ako nang pumagitna sa akin sina Dom at Jessica.
"Beh, anong nangyari kaninang hapon? Chika na yan." Dom said.
"Anong sinasabi mo?" Maang ko.
"Ay teh, kanina pang tulala iyang si Niccos nung maabutan ko sa bahay nila para sana yayain siya dito. Tapos wala siya sa sarili nung sinabi niya na magkasama kayo kanina sa park. Anong ginawa niyo? Spill na yan." Jessica giggled.
"Wala." Sabi ko at hinawi silang dalawa para makalabas ng kusina.
Naabutan ko ang tatlo na nasa sala nagkukwentuhan habang may mga hawak na can ng beer. Sumunod na din sina Jessica at Dom at nakisama na din sa kwentuhan nung tatlo. Habang ako naman, tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Tol? Ang tahimik mo naman ata." Sita ni Hiro kay Niccolo.
"Hindi a. Wala lang ako sa mood dumaldal." Palusot ni Niccolo at tinungga ang isang lata bago nagbukas ulit ng isa pa.
"Baka naman lovelife yan tol." Sabat ni Dale.
"Wala nga yang lovelife e." Sabi naman ni Jessica.
Uminom ako sa isang lata ng beer ko. Dom giggled. "Magkakameron pa lang." At muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Kahit si Niccolo ay hindi na naituloy ang pagtungga ng beer niya.
Nag-apir silang apat. Habang ako naman ay napatingin kay Niccolo na nakatitig sa akin. Napaiwas ako ng wala sa oras at uminom ng beer.
"Kuha lang ako ng makakain." Sabi ko at tumayo papunta sa kusina.
Habang kumukuha ako ng mga chichirya ay hindi ko alam na sinundan pala ako ni Niccolo. Sinarado niya ang pinto ng kusina.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Let's talk." He said with a cold voice.
"We are talking." I said in a usual voice pretending that I am not nervous.
Naglakad siya palapit sa akin at ako naman ay umatras hanggang sa wala na akong maatrasan at nakulong na niya ako gamit ang braso niya.
"Let's talk." Ulit niya. Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kaniya.
"W-what kind of talk?" I asked.
After seconds, he said. "Don't like me."
Napatingin ako sa kaniya ng wala sa oras. Tinulak ko siya palayo sa akin at tinignan siya sa mata. Umiwas siya sa titig ko at ramdam ko ang init sa gilid ng mga mata ko. "You read it."
He sighed and nodded. "I'm sorry."
"Ginawa mo akong tanga!" Mahina kong sigaw para hindi marinig nila Dom sa sala. Pinigilan ko ang luha ko at binalik ko ang usual kong mukha nung una niya akong nakilala sa school bilang kaklase nila. "Why? Is it because you don't like me? Well, the heck! I'm not asking you to love me back! I just want you to know that. Pero mukhang mali ata ang timing ko." Ngisi ko.
"I'm sorry," he said.
Umiling ako. "You always do what you want." I said and went out of the kitchen.
----*
Niccolo
After three days of freaking confession, we are totally having an awkward communication.
And I effing hate myself.
"Iko? Still with me?" Iya wave her hands in front of me. I blinked and smiled at her.
"Yeah. Sorry for spacing out." Sabi ko. Ngumiti na lang siya at inangkla niya ang braso niya sa akin.
Naglakad kami ng ganung posisyon sa hallway. Pinagtitinginan na nga kami at pinagbubulungan pa. And I wonder what do they care about it.
Iya suddenly stopped. Inalis niya ang pagkakaangkla niya sa braso ko at tinitigan ang bulletin board na maraming nakapaskil na kung ano-anong announcements.
"Iko!" She called me with her cheerful voice. Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang tinuro niya. "Sali ako!"
Napakunot noo ko. "Art Contest?"
Tinignan ko siya at tumango tango naman siya sa akin. "Yes--"
"Cassy! Sali ka dito dali!"
Napalingon kami sa pamilyar na boses na iyon at nakita si Dom kasama sina Jessica, Hiro at Cassy.
I looked away when our gaze met. Awkward.
"Hindi na." Dinig kong sabi ni Cassy.
"Sali ka na." Nagulat ako nang kausapin ni Iya si Cassy at sinubukang kumbinsihin si Cassy na makasali. "I enjoy competing you."
Cassy stared at her with blank face and did not even utter a single word before she walked away from us. Sinundan na lang siya ng tatlo at pansin kong tatlong araw akong hindi pinapansin nina Jessica at Hiro.
"Unbelievable." I heard Iya said with irritation.
I looked at her. "Why aren't you talking to Cassy in a nice way?" I asked her out of curiousity.
She smiled sadly. "Can I tell you that in private?" She said and I nodded.
Tahimik kaming naglakad papunta sa bakanteng classroom. Humila ako ng isang upuan at siya naman ay umupo sa teacher's table. At alam kong mali iyon at karapatan kong pagsabihan siya na wag umupo doon pero binalewala ko lang tutal hindi naman kami magtatagal doon.
"Start." I said.
"Cassy and I, were sisters." She said.
"I know."
She looked at me and continued. "Were. It was past tense." She said. "Mom and I can't take to live with her because," she stopped and suddenly cried. "S-she killed our father,"
Then an incomplete puzzle came into my mind again. The story of Cassy was quiet similar to the story of Iya but, they have an opposite story.
"Simula noon, hindi na namin siya tinuring kabilang sa pamilya namin." She continued and cried.
I didn't utter any word. Magulo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam kung sino o kanino ako papanig.
If there's an opposite story, who among them was telling the truth? Or, who are the liar?
BINABASA MO ANG
Rainbow After The Rain (Book 1)
RomanceUNEDITED VERSION. Maraming errors sa grammar, spelling at construction ng sentences. "All I need is the person who will show me good things. All I need is to be free. I want to get out of this cage of loneliness. All I need is my RAINBOW after I cri...