47 - Afraid

312 11 0
                                    

Niccolo

"Check her pulse rate!"

"Still beating!"

"Put her the oxygen!"

"It is on!"

Pagkadating namin sa Park's hospital ay inilagay agad nila si Cattleya sa stretcher at inalagay sa kaniya ang mga bagay na hindi ko alam kung ano dahil nagiging blanko na ang utak ko dahil sa mga pangyayari.

"Sir hanggang diyan na lang po kayo," harang sa akin ng isang nurse na lalaki.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Damn it! She's my girlfriend! She needs me!" I shouted out of frustration.

"Pasensya na sir pero alam niyo po na iyon ang patakaran dito," sabi niya at agad na sinaraduhan ako ng pintuan ng ER.

Nasuntok ko ang pader at hindi ininda ang sakit nun. Lumingon ako saglit sa maliit na butas ng ER at agad ding napaiwas ng tingin dahil hindi ko kaya na makita sa ganung kalagayan si Cattleya. Sumandal na lamang ako sa pader at napasabunot sa buhok ko.

F*ck! Dapat ako ang nandoon sa loob at hindi si Moo e! Bakit kasi kailangan pa niya akong itulak?! Dapat ako yun e!

Napatingin na lamang ako sa kamay ko na may bahid ng sarili niyang dugo. Naiyukom ko ito at tumingala. Hindi ko kaya.

"Niccos!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin. Jessica, Hiro, Mrs. Dela Cruz and Carlo just arrived. Damn it. Anong mukha na lamang ang maipapakita ko sa kanila gayong ako ang may kasalanan nitong lahat?!

Carlo was the one who punched me. I didn't move. I deserved it after all. "Gago ka! Anong nangyari sa Ate ko?!" Galit nitong sigaw.

Jessica and Hiro help me up. Hinawi ko ang mga kamay nila at tumayo ng sarili. Mrs. Dela Cruz stopped Carlo.

"Stop it Carlo!" Sigaw niya sa kaniya nang akmang susuntukin nanaman ako. "No one is to be blame, I know that that was only an accident!"

"I'm sorry," I mumbled to them.

"No, just shut up. Talks can't help." Mrs. Dela Cruz said coldly. Kahit naman sinabi niya kaninang walang may kasalanan, parang pakiramdam ko isa ako sa may mga kasalanan.

They sat in the chairs beside the emergency room. Mrs. Dela Cruz was calming herself. Carlo was still in front of the emergency room. While Jessica and Hiro kept on talking to me.

"Are you okay?" Jessica asked. I shook my head and sighed. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at tumingala sa kisame. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyaring mas masama kay Cattleya.

"Dude, what happened?" Hiro asked curiously.

Siguro alam na nila Mrs. Dela Cruz ang nangyari dahil may mga koneksyons naman siya university. Pwera lang kila Hiro at Jessica na mukhang nasalubong lang sa daan sina Carlo.

I shook my head once again to Hiro. "Gusto kong sabihin pero hindi ko alam ang mga sasabihin ko." mahina kong sabi. "Wala ako sa sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko." I sighed. I felt him patted my shoulders. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi nila at yumuko. "Hindi ko alam.."

"Everything will be okay," Jessica assured. I just sighed. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling lalo na at may mga pagbabanta akong natatanggap.

Naghintay kami doon at hindi na muling umimik matapos ng sinabi ni Jessica. Nakayuko pa rin ako at nasa bulsa ang magkabilang kamay habang nakasandal sa pader. Hindi ko alam kung kakalma ba ako o magwawala. Hindi ko din naman alam kung ano ang mapapala ko kung ano ang gagawin ko.

Rainbow After The Rain (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon