Niccolo
I smiled as I saw them hugging each other.
After seeing their scenario, I turned my back at them and walked away. Hayaan ko na muna sila magkasama. Part of me wants to go there and get Cassy/Iya. But that would be selfish of me.
"Mabuti naman ayos na sila." Someone said. Lumingon ako sa taong nagsalita na iyon at napakunot ang noo nang makita ang doctor nung nasa clinic kami. Yung lalaking kasama ni Cassy nung hinahanap namin siya.
Nagtataka ko siyang tinignan samantalang siya ay diretso pa rin ang tingin sa mag-ina. "You know them?"
He glanced at me. "Sort of," he said and walked away.
Naiyukom ko ang palad ko. Paanong alam niya ang istorya nila Cassy samantalang ngayon lang naman ata sila nagkakilala?
****
Kinabukasan, pumasok ng may maaliwalas na mukha si Cassy/Iya. Hindi ko pa rin alam kung anong pangalan ang itatawag ko sa kaniya.
Nakakapanibago para sa iba ang nakikita nila kay Cassy pwera lang sa amin nina Jessica at Hiro. Alam naman nila kung anong mga nangyayari kay Cassy/Iya kasi sinasabi din naman ni Dom sa kanila. Sa tingin ko lang. Hindi ko naman kasi nakukukwento sa kanila gaano e.
Ang laki ng pinagbago ni Cassy/Iya simula nung pumasok siya noong simula pa lang ng pangalawang semester namin. From blank face become a cheerful one. Sa tingin ko bumalik na siya sa dating ugali niya and I'm happy for her.
Buong mga klase ay hindi ko siya nilapitan. I still have this confusing feeling. Hindi ko naman kabisado ang pakiramdam na to kaya hindi ako sigurado. Ang alam ko lang, kapag lumapit siya, mabilis ang tibok ng puso ko. At nakakabakla ang mga sinasabi ko. -,-
"Niccolo!" Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko nang tawagin ako ni Cassy/Iya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tama nanaman ang hinala ko. Para may mga kabayo na nagtatakbuhan sa bandang dibdib ko.
I managed to smile at her. "Yes?"
She went near me and cling her arms to mine. Natigilan ako at napatingin sa magkadikit na braso namin. Pakiramdam ko namumula nanaman ang mukha ko kaya naitaas ko ang likod ng palad ko at tinapat iyon sa bibig ko.
Maya maya lang ay tinanggal na iyon agad ni Cassy/Iya nang makita ang ginawa ko. Medyo nadismaya pa ako. "Sorry, na-carried away lang." Hingi niya ng paumanhin. "Yayain lang sana kita gumala," nahihiya niyang sabi at pinagdikit ang mga hintuturo niya. "Alam mo na, um, pasasalamat ko sa mga ginawa mo?" She smiled awkwardly. Napangiti naman ako dahil sa kinikilos niya. Cute. Ngumiti siya pabalik. "Tara!"
Bago pa siya lumagpas sa akin ay inabot ko ang kamay niya. Natigilan siya sa ginawa ko at napatingin sa magkahawak kamay namin. "N-niccolo?"
Ngumiti lang ako at mas hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. Alam ko sa sarili ko na namumula na ako ganun din siya pero hinayaan lang namin. Hinila ko na siya palabas ng classroom at rinig namin ang kantyawan ng mga kaklase namin na nasa loob pa rin pala ng room.
Mas namula kami sa ginawa nila.
---*
Cassy
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Seryoso, ngayon lang ako aamin na kinikilig ako.
Sa naisip ko ay napailing ako at naglakad na lang kasama si Niccolo. Magkahawak kamay pa rin kami at tahimik lang. Wala ni isa sa amin ang gaanong nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Rainbow After The Rain (Book 1)
RomanceUNEDITED VERSION. Maraming errors sa grammar, spelling at construction ng sentences. "All I need is the person who will show me good things. All I need is to be free. I want to get out of this cage of loneliness. All I need is my RAINBOW after I cri...