CHAPTER 4: Suicide or Murder

107 5 0
                                    

CHAPTER 4



Nakatingin silang lahat ngayon kay Jenny, bigla silang nakaramdam ng takot lahat dahil sa sinabi nito.


"A-ano bang pinagsasabi mo diyan Jenny?" kinakabahan na tanong ni Camille.

Bigla naman napatingin ang lahat kay Camille, pati sila ay naguguluhan dahil sa sinasabi ni Jenny.


"Purposely doing this? But why?" sabi ni Marie.


"I don't know. That's only my hypothesis. I'm not yet sure kung yun ba talaga ang nangyayari." sabi ni Jenny.


"Let's just stop this. All we have to do is wait. Malay niyo biglang may magcontact sa atin tapos mag-alala kasi hindi tayo sumasagot at puntahan tayo dito." sabi ni Rebecca.


"And what if hindi nila tayo i-contact?" tanong ni Ericka.


"Then that leaves us no choice. We have to wait for about six days." sagot niya sa tanong nito.


Nagkatinginan naman silang lahat. Wala ni isa sakanila ang nagsalita. Kinakabahan at natatakot silang lahat dahil sa nangyayari.



***


Nasa may likod ngayon ng bahay tapat ng swimming pool si Joyce nakaupo at nagyo-yosi. Ginagawa niya lang naman ito kapag gusto niyang pakalmahin ang sarili o kaya kapag nag-iisip siya.


"What do you think happened to her?" tanong ni Rebecca dito pagkakita niya kay Joyce.


She just shrugged then smoke again. "I don't know." sagot niya pagkatapos bumuga ng usok.


"Anong gagawin natin sa bangkay niya?"


"We can't touch the body, pero ayoko naman siyang makita na nakasabit parin sa puno." sagot ni Rebecca sa tanong nito.


Pinatay niya yung apoy ng sigarilyo niya sa ash tray pagkatapos tumayo at tumingin sa swimming pool. Si Rebecca naman ay nakatingin lang sakanya habang naka cross arm.


"Then we should get the body and put it somewhere. Dun sa pwede natin pagtaguan hanggan sa hindi pa dumadating yung mga police."


"We should also get some photo of her hanging there, para maipakita natin sa police." sabi ni Rebecca.


Tumango lang si Joyce pagkatapos tumingin kay Rebecca ng seryoso.


"Ikaw ba anong sa tingin mo ang nangyari sakanya?" balik na tanong niya dito.


"Hindi ko rin alam. Katulad ng sinabi ni Jenny, baka mamaya nagsuicide siya pagkatapos sinira ang mga sim natin para hindi tayo makacontact ng kahit na sino or maybe someone is doing it purposely." sagot ni Rebecca.

Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon