CHAPTER 14
Pinanuod ko siya kung paano siya magmakaawa na ibaba ko ang tali. Gusto kong tigilan na ang lahat ng ito, pero sa oras na naiimagine ko kung paano magmakaawa ang kakambal ko na tigilan siya, na pakawalan siya, nabubuhay ang galit sa puso ko.
Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi nila siya pinatay.
Tama si Jenny. Hindi ako si Gianna, ako si Mia. At wala na si Gianna, pinatay nila ang mahal kong kakambal. Siya na lang ang nag-iisang tunay na pamilya ko, pero ano ang ginawa nila. Pinatay nila ito.
Mabait at napakasweet na tao si Gianna. Simula ng mamatay ang magulang namin, kami na lang ang naging magkakampi.
Bakasyon noon, nasa rest house kami ng masunog ito. Nailabas agad kami ni Daddy, pero si mommy naiwanan siya sa loob kaya kailangan siyang balikan ni daddy. May asthma si mommy na minana ni Gianna kaya naman kailangan iligtas ni daddy si mommy, mabuti na lang at nailabas agad kami ni daddy. Pero nilamon na ng apoy ang bahay, hindi na nakalabas pa si mommy at si daddy kaya namatay sila. Maaga kaming naulila. Hindi namin maasahan ang pamilya ni mommy dahil hindi naman niya ito kadugo, ang pamilya naman ni daddy ay nasa ibang bansa. Kaya wala kaming mapuntahan.
Naiwan sa amin ang mga ari-arian ng magulang namin. Hindi alam ng mga kamag-anak namin ang nangyari at naiwan kami sa kaibigan nila mommy. Mga hindi naman pala tunay na kaibigan ito nila mommy, mga plastik sila. Kapag kaharap nila si mommy at daddy akala mo mababait, nung sila ang nag-alaga sa amin, hindi nila kami inaalagaan ng maayos. Isa lang din ang pinag-aral nila sa amin, kaya hindi nag-aaral si Gianna.
Habang tumatagal kami sa pangangalaga ng kaibigan nila mommy at daddy, may nalaman ako. Hindi aksidente ang nangayari sa rest house kundi ay sinadya ito.
Ipaparamdam ko sa tao na iyon ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay.
Sisiguraduhin ko iyon.
Pinagmasdan ko muli ang walang buhay na si Jenny, kung naging totoo lang siya sa akin hindi sakanya mangyayari ito. Kung sana hindi siya pinangunahan ng insecurity sa katawan niya, hindi mangyayari ito.
Para lang siyang kaibigan nila mommy. Hindi totoo.
At nakakaawa ang mga taong kagaya nila.
[3rd Person POV]
Kinabukasan pang limang araw na nila at hindi na sila makapaghintay pa na sumapit ang linggo. Makakaalis na din sila sa wakas sa nakakatakot na rest house na iyon. Dalawa na ang nawawala sakanila kaya isang masamang panaginip na para sakanila ang bahay na iyon.
Naunang gumising si Ericka, naghilamos lang siya pagkatapos ay bumaba na din. Wala pa siyang nakikita na kahit sinong gising kaya naman nanuod na muna siya ng TV.
"Ano ba naman ito, puro commercial..." nababagot na sabi nito ng pagkabukas niya ay commercial agad ang naabutan niya. Tumingin siya sa bintana at nakita niyang kahit papaano ay humina na ang ulan.
BINABASA MO ANG
Graduation Tragedy
Mystery / Thriller9 students plan to have a vacation before their graduation. Ang gusto lang naman nila ay magsaya at magpahinga dahil makalipas ang apat na taon na pag-aaral sa wakas makakapagtapos na din sila. Ang inakala nila na magiging masayang bakasyon ay magig...