CHAPTER 19: Drunken

74 5 0
                                    

CHAPTER 19



Nakatulog na si Rebecca, gabi na rin at tulog na rin ang iba nilang kasama. Si Joyce naman ay nasa ibaba lang, she can't sleep after what happened between her and Rebecca.


Bumaba si Gianna at naabutan niyang nanunuod ng tv si Joyce pero mukhang wala naman ang atensyon nito sa pinapanuod. Napangiti siya bigla, at dahan dahan na lumapit kay Joyce. Tinakpan niya ang mga mata nito at napansin niyang nagulat si Joyce.


"Sinoo~ akooo~?" may tono ang pagkakatanong ni Gianna.


Biglang may naalala si Joyce sa ganung klaseng tono, at sa ginawa nitong pagtatakip sa mata niya.


'Mia...' mahinang sambit nito pero narinig ni Gianna. Napangiting lalo ito ng banggitin ang tunay niyang pangalan.


"Sinooo~?" ulit nito sa tonong ginagawa niya noon, nakaramdam bigla ng takot si Joyce.


"Eto naman, ang dali na nga hulaan kung sino ako eh." may himig pagtatampong sabi nito sakanya.


Nakahinga naman ito ng maluwag, napapailing na lang siya sa bigla niyang naisip. Napaparanoid na ata siya. Kung anu anong pinag-iisip niya.


"Sorry, may naalala lang kasi ako."


"Ano bang naalala mo? Does it has something to do with the past?" inosenteng tanong nito.


"Ah, yung drinks pala na sinasabi mo?" pag-iiba nito ng usapan nila. Hindi na niya dapat pa ungkatin ang nakaraan, matagal naman ng tapos iyon.


"Ah oo nga pala, tara sa kusina.." hindi na lamang niya ito tinanong pa, pero pagkatalikod nito she grin while thinking for her plan.


Kumuha siya ng pitsel at nilagyan ito ng tubig. Nilagyan din niya ito ng powder juice at hinaluan niya ito ng alak. Napailing na lang bigla si Joyce, ang pag-inom pala ng alak ang tinutukoy nito akala niya pinaghalong juice or what ever. Para sakanya kasi parang hindi naman nito dinadaan sa alak ang mga problema niya.


"Bakit ka umiiling diyan?"


"Nothing, akala ko kasi kung anong klaseng inumin yung ibibigay mo alak lang pala." sagot nito.


"Ayaw mo bang uminom?" napansin niya ang pagkahiya sa tono nito.


"No, it's okay. Don't worry, pero baka mamaya tulog ka na ako umiinom pa din." she said then chuckles.


"Di yan, kaya ko yan baka nga ikaw pa ang unang makatulog sa ating dalawa eh." pagyayabang nito sakanya.


Uminom lang sila ng uminom habang nagk-kwentuhan, inilalabas ni Joyce ang mga saloobin niya sa nangyari kanina. At medyo gumaan naman ang pakiramdam niya kahit papaano, nakakadalawang gawa na sila pero hindi pa din nalalasing ang mga ito, lalo na si Joyce. Mataas kasi ang alcohol tolerance nito kaya naman hindi agad ito nalalasing.

Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon