CHAPTER 20
[Rebecca's POV]
Di ako makatulog, paikot ikot ako dito sa kama ko habang paulit ulit na naaalala yung sinabi ni Gianna na sinabi ni Joyce.
How can she say it, as if parang hindi niya naramdaman na totoo ang pagkakaibigan na binigay ko sakanya? I treat her as if she's a real sister and a bestfriend to me. She's been my friend since birth kaya nga siya ang bestfriend ko eh. Tapos malalaman ko na ang iniisip niya sa akin ay ganun? Katulad ng iniisip ng iba? Tapos sasabihin niya na kung hindi dahil sakanya hindi ako makakapagdecide ng tama? Ganun ang lumalabas na sinabi niya eh, that she should be the leader before. How dare her!
And also, siya ang sumira ng pagkakaibigan namin. Kung hindi niya ako hinahalikan kapag natutulog ako, kung hindi niya ako binigyan ng kakahiyan na ganun, edi sana hindi kami ganito. Hindi sana ako nagagalit sakanya at naiinis. Sana nakakasama ko pa din siya at hindi ko siya iniiwasan.
Pero maganda na din pala na nagka-away kami. Nalaman ko na isa pala siyang plastik na kaibigan, she's a fake! Nakakapanghinayang ang binigay kong chance na ituring siyang totoong kaibigan. Napakalaking sayang.
Biglang bumukas ang pinto kaya naman napatingin ako kung sino iyon.
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Can you accompany me first?" tanong niya sa akin imbis na sagutin ang tanong ko.
"Why?" tanong ko. Bakit naman nagpapasama ito? Hindi na lang siya matulog.
"Para masulit natin ang mga huling oras mo." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Huling oras ko? Anong ibig niyang sabihin?
"Okay ka lang ba? Anong pinagsasabi mo?"
"Okay lang ako... ikaw ayos ka lang ba?" tanong nito at ngumiti ng nakakaloko.
"I don't have time makipagbiruan Gianna. And I'm not on the mood para sakyan ang mga kalokohan mo." pagtataray ko dito pagkatapos humiga at nagtakip ng kumot.
"Hindi naman ako nakikipagbiruan ah, Rebby..." natigilan ako bigla dahil sa tinawag niya sa akin. Naramdaman ko din na biglang tumibok ng malakas ang puso ko.
Inalis ko yung takip ng kumot sa akin at pagkatapos ay tumayo ako at humarap ulit sakanya.
"Anong tinawag mo sa akin?" tanong ko dito, gusto kong masigurado kung yung nga ba ang tinawag nito sa akin.
"I call you Rebby. I used to call you on that name right? Don't tell me nakalimutan mo na?"
"Sino ka talaga?" tanong ko habang nakatingin ng diretso sakanya. Isa lang ang tumatawag sa akin sa ganung pangalan at matagal ng patay ito.
BINABASA MO ANG
Graduation Tragedy
Mystery / Thriller9 students plan to have a vacation before their graduation. Ang gusto lang naman nila ay magsaya at magpahinga dahil makalipas ang apat na taon na pag-aaral sa wakas makakapagtapos na din sila. Ang inakala nila na magiging masayang bakasyon ay magig...