CHAPTER 15
Nasa living room silang apat ngayon, ipinakita ni Joyce yung papel na nakita niya sa kuwarto nila Jenny at Marie.
"The end is near, what you started 4 years ago will now end?" basa ng malakas ni Ericka.
"Sino naman ang maaaring may gawa nito?" nagtatakang tanong ni Angela.
"Teka ano bang nangyari four years ago?" naguguluhang tanong ni Ericka. Bigla naman nagkatinginan si Rebecca at Joyce.
"*sigh* we accidentally killed someone.." sabi ni Joyce, na nakapagpasinghap sa kambal.
"Joyce!" suway ni Rebecca dito. Napag-usapan kasi nila na wag na itong ungkatin pa. Kakalimutan nila ito na para bang hindi talaga ito nangyari, na isa lamang itong masamang panaginip.
"What?!" sabay na sabi ng kambal. Nagulat sila sa sinabi ni Joyce, hindi nila akalain na nakapatay ang mga naging kaibigan nila ngayong college.
"Kailangan nilang malaman, Rebecca. We are now sure na kaya sa atin nangyayari ang mga ito ay dahil sa nagawa natin four years ago. Sa note palang sinabi na, dahil sa nangyari four years ago. Tapos yung kay Violet..." bigla siyang natigilan ng maalala iyon.
Dun niya lang nakumpirma ang lahat. Kaya pala nakasabit sa puno si Violet, dahil ganun ang ginawa nila kay Mia.
"But we already talk about this, diba?!" naiiritang sabi ni Rebecca dito.
"Reb, calm down..." mahinahong pagpapakalma nito kay Rebecca.
"How could I calm down?! Hindi naman ikaw yung nakapatay sakanya diba?! Ako!" di mapakaling sabi ni Rebecca. Nagpapanic na siya dahil naalala na naman niya ang araw na iyon.
Nang dahil sa nagawa niya, dinadalaw siya ng kanyang konsensya. Sanay na siya na may ipinapahiya, sinasaktan— mapadamdamin o physical, o bully. Pero ang pagpatay ay hindi niya kayang gawin, nagawa lamang niya iyon dala ng selos. Kaya naman ng mapatay niya ang akala nilang si Mia, ay palagi siyang dinadalaw ng konsensya niya.
Tinulungan lamang siya ni Joyce para hindi na siya masyadong ma-down ng dahil sa nangyari. Lagi siya nitong pinapaalalahanan na aksidente lang ang nangyari at dapat na nila itong kalimutan.
"Teka, naguguluhan na ako. Sino ba kasi yung taong napatay niyo? o ni Rebecca?" naguguluhang tanong ni Angela.
"Si Mia.." sagot ni Joyce sa tanong ni Angela.
"Yung sa video? Yung nakabilog sa picture? Yung kamukha ni Gianna?" sunod sunod na tanong ni Ericka.
Tumango lang bilang sagot si Joyce.
"Ano ba kasing nangyari noon? Pwede niyo bang i-share sa amin?" tanong ni Angela.
BINABASA MO ANG
Graduation Tragedy
Mistério / Suspense9 students plan to have a vacation before their graduation. Ang gusto lang naman nila ay magsaya at magpahinga dahil makalipas ang apat na taon na pag-aaral sa wakas makakapagtapos na din sila. Ang inakala nila na magiging masayang bakasyon ay magig...