SPECIAL CHAPTER

77 3 0
                                    

SPECIAL CHAPTER



After 6 years...


Lumapit ang isang babae sa mga kasamahan niya. Umupo siya sa lamesa ng kaibigan at inilapag ang isang lumang diyaryo.


"Girls, what do you think?" tanong niya sa dalawang kaibigan niya.


"We say no, Bridge. That will creep the hell out of me!" sagot ng isa niyang kaibigan samantala yung isa naman ay hindi na lang nagsalita at pinagpatuloy lang ang pagbabasa ng librong hawak niya.


"C'mon! This will be fun! Besides pwede natin isama ang boyfriend natin, kung natatakot ka pa din." pagpupumilit nito.


"I say no, and I guess di rin papayag si Cristine sa gusto mo 'no! Right Cristine?" biglang napatingin si Cristine sa kasamahan niya na ngayon ay pareho ng nakatingin sakanya.


"What?" tanong ni Cristine.


Tinanggal ni Bridgette ang nakaharang na buhok ni Cristine sa tenga nito at tama nga ang hinala niya. Hindi sila naririnig nito dahil meron nakalagay na earphone sa tenga nito.


"Cristine naman eh. We're discussing about what we'll do this vacation. It's so boring kaya, and I want some thrill!" excited na sabi nito sakanya, she just rolled her eyes dahil sa kinilos nito.


'Here we go again sa mga thrill na sinasabi nito.' bulong niya sa isipan.

Buti sana kung totoo pero hindi naman, kasi planado ang ginagawang pananakot sakanila.


Ginawa na din nila yun dati, ang pumunta sa isang abandonadong lugar at sinasabing may multo daw na gumagala dun. Pero sa bandang huli nalaman niyang plano lang pala yun ng boyfriend ng mga kaibigan niya.


"So what now?" tanong sakanya ni Bridgette.


"I don't have boyfriend na isasama." sabi na lang niya.


"Narinig mo naman pala kami eh." reklamo ni Janelle sakanya.


"Bahala na kayo, tutal naman kapag pinilit ka ng boyfriend mo Janelle pumapayag ka." biglang pinamulahan ng pisngi si Janelle dahil sa sinabi nito.


"Okay. So payag siya, I won again Janelle." sabi ni Bridgette at parang bata na inilabas ang dila nito.



***


"Pwede bang wag na lang natin ipagpatuloy pa 'to?" kinakabahang tanong ni Janelle.


Start na kasi ng bakasyon nila at ngayon nila napagpasyahan na gawin yung pinag-usapan nila sa school.


"Bakit naman? Nandito na tayo eh, you can't stop it Janelle." pang-aasar sakanya ni Bridgette.

Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon