CHAPTER 11
Pagkatapos nilang mag-enjoy sa paliligo ay nagluto sila ng soup at yun na ang ginawa nilang tanghalian na din, hapon na kasi ng matapos silang maligo sa ulan. Bumalik din naman ang kuryente ng maghapon kaya naman napanood na nila sa balita kung ano ang panahon.
Uulanin pa din ang lugar nila kaya naman matatagalan sila bago makahingi ng tulong o kaya naman maghihintay na lang sila ng tatlong araw pa bago dumating ang sundo nila.
Nang matapos silang magdinner natuloy na din ang pinaplano nilang magmovie marathon. Napagpasyahan nilang manuod ng tatlong movie.
Una nilang pinanuod ay yung Miracle in Cell no. 7, iyak sila ng iyak ng matapos nilang panuodin ito. Masyado silang nadala sa story, tungkol ito sa isang ama na kahit na isip bata ay pinakita parin ang pagmamahal sa anak nito. May pagkaisip bata ang ama nung bata pagkatapos ay napagbintangan itong pinatay yung bata kaya nakulong, tapos nung dapat na aaminin niya ang totoong nangyari pinagbantaan naman ito na sasaktan ang anak kaya ayun sa bandang huli namatay din ito. Nakakalungkot ang story nito.
Sunod nilang pinanuod ay yung A walk to remember. Nagsi-iyakan din ang mga ito maliban kay Jenny, Joyce at Ericka. Hindi sila gaano naiiyak sa mga ganitong palabas pero dun sa unang pinanuod nila ay umiyak sila. Tungkol ito sa isang bad boy na nainlove sa isang good girl na may cancer. Napabago siya nito at narealize niyang mahal na niya yung babae but unfortunately may leukemia ang babae. Nagkatuluyan naman sila kaso namatay nga lang yung babae.
"Ano ba naman iyan, puro ba talaga nakakaiyak ang gusto niyong panuorin?" sabi ni Ericka, iyak kasi sila ng iyak sa mga pinapanuod nila.
"Iba naman wag na drama yung panuorin natin." dagdag pa niya.
"Why? What do you wanna panuod ba? Those nakakadiring movie?" maarteng sabi ni Marie habang nagpupunas pa ng luha gamit ang tissue.
"Atleast iyon, hindi nakakaiyak." sagot naman ni Ericka.
"Okay fine, iba naman ang panuorin natin wag lang yung mga morbid na palabas. Meron ka ba diyang horror na lang?" tanong ni Rebecca.
"Oo naman, yung insidious na lang ang panuorin natin." sabi ni Ericka.
"May copy ka na ba niyan diyan?" tanong ni Gianna.
"Oo naman, ako pa ready ata ito. Buti na lang malaki ang GB nitong USB ko." sabi nito pagkatapos ay pinili na ang insidious na i-play.
Habang nanunuod sila, tumitili naman sila. Nagugulat sila sa ibang scene, tumili sila ng malakas nung part na biglang sumulpot katabi nung lalaki yung mukha ng devil.
Hanggang sa matapos nila ang palabas, pero hindi pa din ito pinapatay ni Ericka. Inaabangan kasi nito yung sa bandang huli lalabas yung babae na multo at hihipan ang kandila.
"Bakit ba hindi mo i-stop na? You know, the movie is done na kaya." tanong ni Marie. Hindi ito sinagot ni Ericka. Sila Joyce naman at Angela ay alam na ang mangyayari kaya napapailing na lang ito.
BINABASA MO ANG
Graduation Tragedy
Mystery / Thriller9 students plan to have a vacation before their graduation. Ang gusto lang naman nila ay magsaya at magpahinga dahil makalipas ang apat na taon na pag-aaral sa wakas makakapagtapos na din sila. Ang inakala nila na magiging masayang bakasyon ay magig...