CHAPTER 13: Betrayed

73 6 0
                                    

CHAPTER 13



"Good bye." sabi ko sakanya bago umalis ng basement. Mabibigat na mga hakbang ang naramdaman ko bago umalis sa lugar na iyon.


Ang kawawang kapatid ko, pinatay nila ng walang laban. Paano... paano nilang gumawang pumatay ng isang inosenteng tao. Magbabayad sila. Ipaparamdam ko sakanya ang ginawa niya sa kapatid ko.


Pagbabayaran nilang lahat ito, ang mga pagdurusa at pangungulila na naramdaman ko. Sila ang sumira ng buhay ko, sila ang nagsimula ng lahat ng ito. Pero sisiguraduhin kong ako magwawagi at tatapos ng lahat ng ito.


Nasa may hagdanan na ako ng mapansin kong bukas ang ilaw sa kuwarto ko.


Sa pagkakaalala ko naka off ang ilaw. Sino naman ang pupunta sa kuwarto ko?

Dahan dahan akong pumasok sa loob ng kuwarto, at napansin kong may nakaupo sa kama at pinapakelaman ang mga gamit ko. Hawak hawak nito ang picture namin nung bata palang kami.


Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya habang tinitignan ang iba't ibang pictures namin nung bata pa lang kami pati na rin nung magdalaga kami. Mga alaala na masaya pa kami, hanggang sa ang isa't isa na lang ang kakampi namin.


Nakaramdam ako ng galit ng maalala ko ang kwento ni Marie kanina, ang mga taong involved sa pagkamatay niya. I took a deep breath and calm myself. I acted as if I don't remember anything that happened a while ago and called her.


"Jenny..." tawag ko sakanya. Bigla niyang nabitawan ang lalagyan ng mga pictures, dahil siguro sa kaba. Napasmirk ako, guilty.


"G-Gianna." oh, I'm not doing anything yet. But she's stuttering already. Paano pa kaya kapag nagsimula na ako?


"Anong ginagawa mo? At saka bakit mo ginagalaw ang mga gamit ko?" inosenteng tanong ko sakanya, pumunta ako sa mga gamit ko at inayos ito.


Masyado kasing pakielamera iyan tuloy kabado na siya ngayon.


"A-ah... a-ano..."


"Lost your tongue eh?" I teased her then humarap ako sakanya at nagsmirk.


Poor Jenny, hindi naman siya kasali sa plano ko eh. But since Marie included her on the list, then I have a reason to end her life too. Hindi dapat nabubuhay sa mundo ang mga katulad nila, they don't deserved to live, they don't deserved to be happy.


"G-Gianna..." naiirita na ako sakanya, wala ba siyang ibang alam na salita? I rolled my eyes at her then tumalikod. Kinuha ko yung pampatulog at nilagyan yung panyo ng hindi niya nahahalata, I better make it quick nauubos na ang oras.


"Jenny, if you have nothing to say except for 'Gianna' you better sleep already. You know it's already midnight. You have to rest." sabi ko sakanya pagkatapos ay itinago ulit yung pampatulog.


"M-Mia..." narinig kong bulong niya.


Graduation TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon